Kabanata 33

276 10 2
                                    

"Oh, dahan dahan."

Pinagmasdan ko si Cross na inaalalayan si Sophia pababa ng yatch. I smiled unknowingly because of the gesture. Atleast, one of us is really happy.

Hindi ko namalayan na nandito na pala si Sky sa tabihan ko. Inakbayan ako nito kaya kinurot ko ito sa tagiliran.

"Ouch!" Maarteng inda nito. Tinawanan ko ito dahilan para samaan ako ng tingin.

"Kamay mo baka kung saan mapunta."

Sabay kaming bumaba kaya naman inalalayan na rin niya ko. Napalingon kami kay Ryker at Primrose na sweet na sweet sa tabi.

"Ikakasal na kapatid mo. Ikaw kaya kailan?" Tanong ko sa kanya. Humalakhak naman siya at tinawanan ako.

"Hindi ako magpapakabaliw sa babae, Trish." Pinal niyang sabi. Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya. Ngumisi siya sakin at amused na tumingin.

"What?" Natatawang tanong niya. Nagkibit balikat naman ako.

"Sinabi rin yan sakin ni Ryker. Look where he is right now, papatali na. I also said that, look where am I, inlove with Ezekiel." Sabi ko. Tumawa naman siya.

"Marupok kasi kayo!"

Hindi ko na lang siya pinatulan at nagtawanan kami.

The dinner went well. Kung totoo man ang sinabi sakin ni Laurence ay hindi ko alam kung kelan iyon sasabihin ni Sophia. The dinner went well and nagkakasiyahan na lang sila sa tabing dagat. The moon is up. May bonfire na pinagawa si Nathan kaya naman may liwanag kami.

"Oh shit. Seryoso?! You'll compose a song for us?" Hindi makapaniwalang tanong ni Christoff kay Nina. Nahihiyang ngumiti naman ang huli at tumango kay Christoff. Nagtawanan ang grupo.

Nagvibrate ang telepono ko kaya tinignan ko ito. I smiled when I saw Ezekiel's name on it.

"Hello, baby?" I asked. Gusto kong matawa kasi eto nanaman ako iinisin siya kasi malayo siya.

I can hear his heavy breathing at the other line.

"Now you have the courage to call me baby because I'm away." Nagmamaktol niyang sabi. Tumawa naman ako sa kanya.

"I miss you." Sabi ko. Tumahimik ang kabilang linya at narinig kong medyo gumalaw siya.

"Shit. Should I ride my private plane so I could be there right as this moment?" Mabibigat niyang bitaw. Hindi ko na napigilan at natawa na ko.

"Para kang sira. Just finish all your work there and come back here." Sinsero ko nang sabi. I can hear his calm breathing already. Tahimik kami ng higit limang minuto but I love our silence.

"You're out?" Tanong niya. Narinig siguro ang ingay nila Sky.

"Oo, nandito kami sa Cagahi Island. Mini celebration ni Nathan kasama sila Ryker at Sky. Tapos kanina nagpropose na si Ryker kay Prim. She said yes." Pagkukwento ko. This feels so good. Pakiramdam ko ang saya ko.

"Yeah, that. Ryker told me he'll propose tonight. Then?"

"Tapos si Sophia...she is pregnant." Napangiti akong tumingin kina Sophia. She gave a box to Cross. Yung ultrasound picture pala iyon. Everyone cheered kaya naman nakisali ako.

We kept on laughing kasi priceless ang reaksyon ni Cross.

"You seems so happy." Sabi ni Ezekiel sa kabilang linya. I giggled and nodded kahit hindi niya nakikita.

"I am happy. I have my friends, I got a good job. And especially, I got you. Ano pang dahilan para hindi ako maging masaya?" Pati ako ay hindi ko na mapigilan ang nararamdaman. It feels so good, so refreshing.

The Playgirl's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon