Ilang araw na ang lumipas magmula nung pumunta ako dito sa Ilocos. Tapos na rin yung bakasyon kong isang linggo kaya naman balik trabaho na ko. It's already six in the evening and I'm on my way to the restaurant in front of the beach to have my dinner. May iilan ilang foreigner guests akong nakasalubong na nginitian ko.
Mula sa kinatatayuan ko ay naririnig ko na ang banda na tumutugtog. Dirediretso ako sa upuan ko at lumapit agad ang waiter.
"Good evening, maam."
"Normal dinner." Sabi ko lang. Gets na naman nila iyon dahil tuwing nandito ako ay may gusto lang talaga akong kainin.
"Wow, di nagyayaya oh."
Agad akong napatingin sa likuran nung marinig ang boses ng isang lalake. I grinned when I saw him.
"Ryker! You're here!" Bati ko at bumeso pa. Humalakhak naman siya sakin. He looks care free with his board shorts and cotton shirt. I smirked.
"Yes, Engineer! I have to personally attend the site surveillance. Remember, I have a project here in Pagudpud." Pagkukwento niya habang naupo na sa tapat ko.
"Oh, tapos na ba ni Architect Laruega ang revised design?" Hindi ko alam pero sa pagbanggit ko pa lang ng pangalan na iyon ay naiirita na ko. Naalala ko nanaman yung paglalandi niya kay Ezekiel. Sarap kurutin sa singit!
He raised his brows on me and smiled maliciously.
"Si karibal mo? Oo tapos na niya. Ezekiel helped her."
Agad niyang nakuha ang atensyon ko sa sinabi niya. Ano? Tinulungan ni Ezekiel yug babaeng iyon? Kaya ba nitong mga nakaranag araw ay hindi na siya nakakapag text sakin? Wow!
Hindi ko alam kung doon ako maiinis sa term niyang karibal. Ako magkakaroon ng karibal? Hindi ko siya kalevel!
"What kind of Architect is she kung kailangan niya pang humingi ng tulong sa isa pang Architect? Nako Ryker, I didn't know you're hiring people less than your standards." hindi nakatakas ang paiit sa sarili kong boses. I sounded so pissed!
Mas lumawak ang ngiti ni Ryker sa akin na sinamaan ko ng tingin.
"What?" Pagtataray ko. Tumawa pa siya lalo na ikinainis ko. Sinipa ko tuloy siya sa ilalim ng mesa at ininda niya yon.
"Wag mong sirain ang gabi ko, Viego." Pagbabanta ko. Tumawa siya lalo.
"Ang selosa grabe! Sabi na may something kayo ni Ezekiel eh. Siya na ba ang magpapatino sa playgirl?" Tumaas baba pa ang kilay niya na halata mo namang nangiinis. Seriously, paano ko naging kaibigan itong hinayupak na to?
"Hindi ako nagseselos." Pagdedeny ko. Nagkibit balikat siya.
"Okay, sabi mo eh."
Ugh! Bwisit na to!
Sasagot pa sana ako nung dumating na ang order ko. Sinamaan ko muna ulit siya ng tingin bago nagsimulang kumain.
"So... kamusta ang La Casa?" He asked. Hiniwa ko ang karne na nasa plato ko. I liked how well done it is. Nilingon ko si Ryker.
"Okay lang." I said. Ang sarap talaga nito!
"How about the owner of this company? Okay ba?" Inis ko siyang binalingan dahil nangiinis nanaman siya.
"Pag hindi mo ko tinantanan tungkol kay Ezekiel I swear ipapalabas kita ng hotel ko." Banta ko na tinawanan lang niya. Aba! Akala yata nito nagbibiro ako? Tingin niya di ko gagawin?
"Sige, tutal alam ko namang gusto mo siyang kamustahin sakin, nahihiya ka lang. Ezekiel is fine. Malapit na siyang maging ermitanyo dahil tinatapos niya lahat ng trabaho niya."
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
Aktuelle Literatur#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...