Kabanata 36

297 11 8
                                    

Ipinikit ko ang aking mga mata. I asked for all the strength to come and fill me because honestly, I feel like running away. But no, I am here, in front of Zac's house, after 13 years.

I turned off the engine. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako nandito pero nandito pa rin ako. Pakiramdam ko ay hindi na ako ang nagmamay ari sa katawan ko. It is doing what it wants. Or my heart is.

Tuluyan na kong bumaba ng kotse at naglakad papunta sa harapan ng bahay. My hands are shaking so bad that I can't press the door bell properly. Bahala na, I pushed it.

Naghintay ako kahit pa gusto ko nang tumakbo papalayo. Wala kayang tao?

I was about to retreat when the door opened. A woman on her 30's is in front of me. Nung una ay pinasingkitan pa niya ko ng mata pero it widened eventually.

"Ms. Adornado? Pasok po kayo! Ako po pala si Celya." Biglaan niyang bati. I smiled hesitantly, thinking if I should accept her invitation. Pero ano nga ba't narito ako sa bahay na to hindi ba?

Sa huli ay pumasok na rin ako.

"Magandang hapon po. Pasensya na po sa biglaang pagpunta." Paghingi ko ng paumanhin.

"Nako ayos lang po. Ano pong gusto niyo, juice or soft drinks?" Tanong niya nung makaupo kami sa sofa. A thousand of memories flashed back.

Dito, dito sa mismong sofa namin ginawa si Chyler. I closed my eyes as I tried to stop the memories from coming back.

"Wag na po. Nandito lang po talaga ako kasi may mga gusto po akong itanong." Deretsahan kong sagot. I can't stay here any longer. My heart can't. Napa tango naman siya nung marealize niya ang pakay ko. Umupo siya sa harapan ko.

"Mukha pong walang nagbago sa bahay na ito ah?" I commented. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang ganun pa rin ang mga gamit, ganun pa rin kung kailan ko huli itong natandaan.

"Ah opo. Magmula po kasi nung iwan ito ng nga Clemente ay hindi na nabuksan pa. Kabibigay lang po sa akin ng susi noong tuluyan nang bumigay si Don Clemente. Nakakalungkot talaga at namatay siyang mag isa."

She immediately got my attention when I heart Zac's grandfather. Namatay siyang mag isa? What does that supposed to mean?

"Don Clemente...is dead?" Pag lilinaw ko. Ang malungkot niyang mata ay napalitan ng pagtataka.

"Opo, nung nakaraang Enero lamang po. Kawawa nga po ang matandang iyon. Hindi ko man siya talagang kamaganak dahil mommy ni Zac ang tita ko, nalulungkot pa rin ako kasi naging private nurse niya rin ako sa America." Mas lalo akong naging curious sa mga sinasabi niya. I want her to go on with her story. Mukha namang nakuha niya iyon.

"Nagkadepression kasi si Don Clemente magmula nung mamatay ang anak niya tsaka si Tita. Kawawa lang siya kasi wala man lang siyang apong mapagiiwanan ng kumpanya niya. Hindi na nga niya naasikaso ang kumpanya. Kay Zac pa rin ito nakapangalan pero hindi naman na nila ito nahanap magmula nung namatay sila Tita."

I was in shocked upon hearing those. Una, namatay ang mommy at daddy ni Zac. I can't believe it. Pangalawa, wala siyang naiwang apo? Anong Tawag niya kay Zac? At pangatlo, nawawala si Zac?

"T-teka, anong ibig sabihin mong walang apong naiwan? Zac is his grandson." Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya at umiling.

"Hindi po tunay na Clemente si Zac. Anak siya ni Tita sa una niyang asawa."

Mas lalo akong nagulantang sa mga inamin niya sa akin. Suddenly, I can't take it all.

One last question...

"How did his parents die?" I asked.

"Nung araw po na dumating sila sa America labing tatlong taon na ang nakalilipas, bumangga ang sinasakyan nilang puno sa isang truck. Namatay si Tita at Tito pero si Zac, hindi na nakita pa."

The Playgirl's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon