"Ezekiel, my friend!"
Nakipag kamayan si Ryker kay Ezekiel na nasa tabihan ko. Kahit pa yakap ni Ryker si Ezekiel, nagawa niya kong ngisian na akala mo ay nahuli niya ko sa isang masamang gawain.
"I didn't know you're here!" Dagdag pa niya. Bumalik sa tabihan ko si Ezekiel at hinawi ako sa bewang. Agad lumabdas doon ang tingin ni Ryker at paspleg ngumiti. Hobby niyang bwisitin ako ano?
"Good morning, Prim." Bumati si Ezekiel sa kasama ni Ryker. If I'm not mistaken, she is the lifeguard na sinasabi ni Ezekiel na binabalikan ni Ryker. Kita mo nga naman. Ako kaya ang manginis ngayon?
"Oh, who's this lady, Ryker? New flavor?" Mapangasar kong tanong. Parang namutla naman si Ryker at napatulala si Prim. Nagkunwari kong pinasingkit ang mata ko sa kanya at kumunot ang noo.
"You look familiar..." panimula ko pa. Ramdam ko ang pag higpit ng hawak ni Ezekiel sakin. Maybe shutting me off.
Napatungo naman ang dalaga. "Ma'am, I am Primrose Fuente. Life guard niyo po."
Nagkunwari naman akong tumango at sinilip si Ryker.
"Then what are you doing with our guests?" I asked professionally. Sinamaan naman ako ng tingin ni Ryker.
"S-sorr-"
"She's not on duty, Trish. And she's with me." Matigas at tila seryoso nang sabi ni Ryker. Hindi ko na napigilan at napahalakhak na ko.
"I'm just kidding. Hi Primrose. Sorry for that. Talagang lambingan lamang namin ni Ryker ang magasaran. Right, Ryker?" Nilingon ko si Ryker na madilim na ang titig sakin. I can't help but laugh. Napailing naman si Ezekiel.
"Not funny." Kumento ni Ryker. I rolled my eyes and pointed the table.
"Why don't you join us for breakfast. Halika, Primrose. Pagkwentuhan naman natin si Ryker." Inaya ko na sila papaupo. Nagpauna na ko papunta sa spot namin habang nasa likuran naman namin ni Primrose si Ezekiel at Ryker na nag uusap. Nilingon ko si Primrose na tahimik at balisa.
Wait, dahil ba sa sinabi kong new flavor? I was just kidding!
"Something is bothering you?" I asked her. Napatingin naman siya sakin sabay yuko. I rolled my eyes.
"S-sorry po, Ma'am." She muttered. I nudged her dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Stop calling me 'maam', okay? You are Ryker's friend and not my employee as of the moment. Call me Trish." I said. Ngiti naman ang isinukli niya sa akin saka tumango.
"About what I said earlier, yung new flavor, pang asar ko lang iyon kay Ryker. I hope you don't take it on him. Sa almost ten years of friendship namin, never ko yan nakitaan ng babae." Pag eexplain ko sa kanina. Ayoko naman maging cause ng away nilang dalawa. Tumango namam siya sakin.
"Close po pala kayo ni Ryker?" She asked. I nodded and shrugged.
"Tamang close lang. Naging classmate ko kasi for five years si Ryker nung nag aral ako ng Engineering." Nilingon ko si Primrose at halata ang pag kagulat niya sa akin.
"Engineer po pala kayo. No wonder why crush ka ni Ryker."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nilingon ko siya. Natawa naman si Primrose sa reaction ko.
"True, ikaw yung crush niya. Kasi ang sabi niya sakin before, tinurn down daw siya ng crush niya para sa isang gala night. Sabi niya ay kaklase raw niya iyon sa Engineering."
Tumango tango ako habang di makapaniwala. Nung makaupo kami ay tumabi sakin si Ezekiel habang sa tabi naman ni Primrose si Ryker.
"French toast, fresh strawberries and green tea, please." Sabi ko sa waiter. Nung makaalis ang waiters ay nakinig ako sa usapan nila.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
General Fiction#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...