"As you can see sa result ng x-ray niya, incomplete bone fracture lang ang nangyare sa kanyang fibula. You are lucky, Sir, at sa fibula lamang iyan. Dahil malapit nang mag three months ang bone fracture mo, nasa Callus ossification na ang bones mo. Meaning, tumutubo na ulit yung bagong buto." nakinig akong mabuti sa sinabi ng doctor. It's familiar. Especially the terms. Ortho-Surgeon ang daddy ko, that's why.
"Doc, basketball player po kasi siya. Is he-" napatigil ako nung pisilin ni Zac ang kamay ko. Alam kong gusto niya kong tumigil. But no, we need to hear.
"Can he still continue his basketball career?" tanong ko. The doctor smiled at us.
"Of course, Ms. Adornado. He can still play. Tulad nga ng sabi ko, incomplete bone fracture lamang ang nangyare. Maybe starting on the last weeks of December ay pwede na siyang bumalik sa training. Pero to play a game, sa January pa kita papayagan." tumango tango ako. At least, he can still play next year.
Lumabas na kami ng clinic after we settled the bills. Nagulat ako nung yakapin niya ko. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Mariin akong pumikit ang mahinang tinapik ang likod nya.
"Thank you, Trish. Thank you." agaran niyang sabi. Bahagya akong natawa.
"Ano ka ba. Sinamahan lang kita. Samahan man kita or hindi, hindi naman magbabago ang sasabihin ng doctor." humiwalay ako sa yakap at nasilayan ko ang ngiti niya. Napangiti rin ako.
"Call your mom and share her the good news."
Iyon ang kanyang ginawa. Habang nasa kotse nila kami ay katawagan niya ang mommy nya. His mom talked to me too. She keeps on thanking me while I don't see anything na kapakapasasalamat sa akin.
Nagpahatid ako sa bahay. I want to rest. Pagkalabas ko ng kotse ay kumaway na ko sa kanya. Signaling him that I don't want him to enter our house and he should go home. Naiilang ako. Isa pa, mangiinis lang si Jonathan.
Umalis ang kotse at medyo natulala pa ko sa labas ng bahay. Kung hindi pa magsasalita si Jonathan ay hindi pa ko magbabalik sa sarili ko.
"Aga mo naman umuwi." napalingon ako sa kanya. I checked my watch and found out that it's already 5 in the afteroon. Naalala ko ang mga homeworks na kailangan kong gawin.
"Not so early. 4 ang tapos ng klase natin, bro." sabi ko at umuna na ng pagpasok.
"Mukhang...magpapaligaw ka na kay Zac ah?" nahimigan ko ang panunuya sa boses ng pinsan ko. I rolled my eyes.
"Magpapaligaw ka diyan?"
"Tototohanin nun yung sinabi niya nung kumakain tayo. He even asked if he stand a chance." napairap ako sa pinsan ko. Dirediretso ako sa kusina. I want a glass of water.
"I didn't even answer the question, Jonathan."
Naalala ko yung gabing naghintay sa labas si Zac for me. Yung kumain siya dito. Iyong lalaking iyon kung hindi ba naman gago't kalahati magtanong daw ba ng ganon. Di pa siya nakakamove on ano. Paasa rin eh.
"Stop the argument, Jonathan. Mag aaral na ko. Malapit na exam." pagpigl ko sa kanyang amba pang sasabihin.
Sa kwarto ay tulala ako. Hindi ko alam kung ano na ba, naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Aish, mababaliw lang ako kaiisip!
Paparating na ang second game ng finals. Pinagdiriwang ng mga team mates ni Zac ang balitang makakapaglaro pa siyang muli. Yun nga lang, sa January. Ang biro tuloy nila'y magpapatalo sila ngayon para makalaro si Zac.
"Dali na pre. Alay na lang itong larong ito. Kung manalo edi goods. Kung hindi edi boom! Makakapaglaro ka." maligalig na sabi ni Harvey. Binatukan siya ni Sophia dahil doon.

BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
Tiểu Thuyết Chung#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...