"Paki dala naman to sa pool side. Tapos yung nachos ilabas niyo na din."
Lumibot ang tingin ko sa pool side na dinecoratan pa ni Sophia. Sunod sunod ang utos niya sa mga maids habang ako ay naglalagay dito ng electronic floating candles. Hindi ko alam kung ano ang pauso ni Sophia but she prepared this.
Nagaagaw ang kulay ng langit. Papalubog na ang araw at patapos na rin kami. Stephen's decorating the trees by placing some christmas lights around. May mga Japanese lanterns pa na nakasabit. Tumunog ang phone ko at nakita ko ang mensahe doon mula kay Ezekiel. Pinamulahan ako ng mukha ng maalala ko ang nangyare kagabi.
He's supposed to just drop me by in front of our house pero nauwi iyon sa isang hot and sizzling night. Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko ngayon. It's the first time I had sex with the same person! Ang hindi pa ko makapaniwala doon ay no other guys in between that interval!
I'll be a little late, baby. The meeting's in over time.
Tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa pagkabasa ko noon. He's sweeter now. Napapailing na lang ako.
Dumating si Cross kasama si Nina. Bumili sila ng 4 cases of beer. Nakita ko rin ang Jack Daniels at Vodka sa kamay ni Nina. Hindi rin nakatakas ang apat na bote ng Cuervo. Patayan ba mamaya?
Inilawan ko ang huling candle at lumapit sa kanila. Marahas na humampas ang hangin sa aking bohemian outfit. Iginilid ko ang buhok ko dahil humaharang ito sa mukha ko.
Lumapit rin sa amin si Stephen na may dalang sako ng uling. Mistulang narumihan pa ang kanyang puting damit dahil doon.
"Let's open the lights!" maligalig na sambit ni Sophia. Bumukas iyon at nakita ang ganda nito while reflecting the candles in the pool. Napangiti ako sa ganda.
Ilang sandali lang ang lumipas ay dumating na ang iilang barkada ni Cross. Nagbatian rin kami lalo na at nakilala ko na sila noon pa man. Those were the basketball players of our highschool team. Agad sumakit ang dibdib ko sa naalala.
He will always be a painful memory for me. At hinding hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakapaghiganti mula sa pangiiwan niya sakin.
Dumating din si Nathaneal kaya kitang kita mo ang pagiiba ng mood ni Nina. I sat beside her habang sila Stephen ay naroon sa mesa nila Cross.
"Are you okay?" tanong ko. She nodded at me. Isinandal niya pa ang ulo niya sa balikat ko.
"Oo naman."
"Kamusta kayo ni Stephen?" tanong ko. Nakatitig siya sa pool sa harap na puno ng ilaw. I have no plans of swimming tonight. Ganoon din naman si Nina dahil time of the month niya ngayon.
"He's sweet and caring. It feels so good having him around." sagot niya sakin.
"Kayong dalawa diyan! Lumapit kayo dito't mag ihaw rin!" napalingon kami parehas sa sigaw ni Sophia. Natawa kaming sabay dahil parang teenager itong si Sophia kung makasigaw.
Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Titig na titig si Nathaneal kay Nina at Stephen. Halata mong gusto pa rin talaga niya si Nina. I stood up and sat beside him. He's drinking some beer. He gave space nung makita niya kong uupo.
"What's up?" tanong niya sakin. Nagkibit balikat ako at kumuha rin ng beer. Uminom ako ngunit agad ding napangiwi. Ayoko talaga ng lasa ng beer.
"Buti wala kang shows ngayon?" biro ko. Umiling siya at tumungga ulit. Napalingon ako sa gilid at nakitang pangalawang bote na niya ang iniinom ngayon.
"Cross invited me over so I cancelled it."
"May balak kang maglasing?" Tatawa tawa kong sambit. Tumawa rin siya sa sinabi ko.
Nanahimik na naman kami at nakita ko nanaman ang pagtitig niya kay Nina. I suddenly want to push them.
"Mahal mo pa rin si Nina, ano?"
Napalingon siya sakin dahil sa isang mapangahas na tanong ko. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"It's so disappointing how the two of you ended up like this." sabi ko. Nakitaan ko ng galit si Nathaneal sa sinabi ko. Nagkibit balikat ako at tumayo.
"It's not my fault why we ended up like this. It's hers." sagot niya na may diin bawat salita. I pursed my lips and nodded. Tinignan ko pa siya at tinapik sa braso.
"But it's not also her fault that she loves you so much that time that even if the only choice is to leave you making her the bad one here, she still did it."
Umalis ako sa tabi niya pagkakasabi ko nun. Papunta na dapat ako kina Sophia but nahagip ng mata ko si Ezekiel na papasok sa garden na ito. Wearing his white v-neck shirt and an acid wash pants, he looks so gorgeous. Lalo pa't may dala siyang bulaklak. Napuno ng tili ni Sophia at Nina ang pool side. Napangiti at kagat labi na lamang ako nung iabot niya sakin ang bulaklak. He kissed my cheeks as I accepted the flowers.
"Thank you..." sabi ko
Sumalubong si Cross kay Ezekiel at nagapir sila. Hinapit ni Ezekiel ang bewang ko dahilan para mapatingin doon ng tingin si Sophia at tumaas ang kilay.
"Mabuti't nakarating ka." bati ni Cross.
"I'm sorry I'm late. I can't leave the meeting I'm in." paliwanag ni Ezekiel.
"It's okay. Tara doon sa mesa."
Naginuman ang mga lalaki habang kaming mga babae ay nagkwetuhan. Vodka ang tinira namin habang beer ang mga lalaki. Minsan ay shumashot ako ng Cuervo pero bilang dahil binibilang ni Ezekiel ang iniinom ko. Napailing na lang ako.
May iilang lumalangoy kaya iniangat nila ang mga pinalutang kong kandila. Napag usapan namin ang nalalapit na bakasyon nila Sophia. She told me she convinced Cross to move their Boracay escapade on April.
Matapos ang barbeque party naming iyon ay nagimpake na ako ng mga gamit. Pinauna ko na ang iilan at isang maleta na lamang ang dadalhin ko.
Suot ang aking pants at sabrina top, inilagay ko ang head set sa tenga ko. Konting maniobra at umikot ang dalawang malalaking elisi sa sinasakyan kong Helicopter.
Pumasahimpapawid ang helicopter at nakita ko ang mga tanawin sa ibaba. The field's too green and the water's so dark.
Paglapag ng helicopter ay sinalubong kami ng iilang crew. They welcomed me and gave me mango juice to drink.
Nakita ko si Rosa sa may harapan ng pintuan pababagaling dito sa helipad. Natanaw ko ang white beach na palagi kong pinupuntahan tuwing narito ako. I love how the sun embraced my skin.
"Good morning maam Trish!" maligaya niyang bati sakin. She's the overall secretary in this branch. I smiled at her.
"Good morning Rosa."
"Welcome back maam! Nakahanda na po ang breakfast niyo sa sea side. Pinahanda ko na po doon. Ipapaescort ko na lang po kayo sa mga bell boys natin." tumango ako sa sinabi niya. Nagugutom na rin naman ako kaya talagang gusto ko muna kumain bago tumungo sa aking kwarto.
I instructed them na wag nang mag grand welcome sa akin dito. Kada makakasalubong kong empleyado ay tumatango at bumabati sakin. I greet them in return.
Umupo ako sa isang table na naka set up para sakin. The heat of the sand is just right for my feet. The view of the ocean is too calm for me. I closed my eyes.
Just the perfect summer get away for me.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
Ficción General#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...