Thank you for making it this far! Love you guys! See u sa mga susunod kong istorya. Again, sorry for the typos and wrong grammars. ✌🏻😝✊🏻
—-
"Ma, tingin mo magugustuhan ni Reina itong roses?" pinakita ko sa mama ko ang mga rosas na balak kong ibigay sa girlfriend ko. My mom nodded and winked at me.
"Oo naman anak! Binata na talaga ang baby boy ko." Inilingan ko si mama dahil sa hirit niya. I kissed her in her cheeks and bid goodbye.
"Alis na po ako." Paalam ko.
Dala ang duffel bag na naglalaman ng training stuff ko, tinakbo ko ang gate ng eskwelahan papunta sa classroom ni Reina. Today is our first anniversary. Napakunot naman ako ng noo nung makitang wala siya.
"Hello, si Reina?" Tanong ko doon sa kaklase niya. Naiilang ako sa mga titig nila pero hindi ko na pinansin pa.
"Nandiyan na kanina eh. Pero lumabas kasama ni Randon."
Kumunot ang noo ko nung marinig na kasama niya si Randon. Bakit kaya? Baka may tinanong lang si Random tungkol sakin. He is my friend, a close friend of mine from the basketball team.
Nung maghapon noon ay practice na namin. Importante sa amin ang labang ito dahil gusto talaga namin magchampion. Isa pa, gagraduate na kami kaya gusto talaga namin manalo.
Nagshoshooting na si Cross at Harvey. Sumali ako sa kanila. Magaling magturo si Cross. He deserves to be the team captain.
"Tol, tingin mo may pag asa ako kay Sophia?" Nilingon ko si Harvey na nagtatanong sakin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman kilala iyon.
"Sophia who?" I asked. Dumribble ako pakanan tapos nag fade away sabay talon at shoot ng bola. Pumasok it at si Cross ang nakakuha.
"Are you serious? Hindi mo kilala yung mga kaibigan ng kapatid ni Cross? Hoy, di mo ba napakilala dito kay Zac sila Nina?" Hindi makapaniwalang tanong ni Harvey. Nilingon pa niya si Cross na umiiling na ngayon.
"Tigilan mo yung mga yon. They are bunch of little kids. Dun ka sa kaedaran mo." Dismayadong sabi ni Cross. Tumawa naman si Harvey.
"What do you mean kids? Isang taon lang tanda natin sa kanila akala mo naman matandang matanda ka na." Ganti ni Harvey. Hindi na ko nakakarelate sa kanila. Sino ba itong mga binabanggit nito?
"Si Sophia? Sus, get a matured lady. Ni wala pa ngang boobs yon. Flat." Walang habas na sabi ni Cross. Natawa ako. Inagaw ko ang bola sa kanila at dinunk iyon.
"Dude, hindi ko naman gusto si Sophia dahil sa boobs niya. What the hell?" Tila nahihiyang utas ni Harvey. Napailing ako.
"Gayahin mo itong si Zac. Jackpot kay Reina di ba?" Ngumisi sa akin si Cross na binato ko ng bola. Humagalakpak naman siya sa kakatawa.
"Gago, wag niyo idamay girlfriend ko." Hirit ko.
"Ang boboring niyo kalaro! Asan na ba si Randon?" Utas ni Harvey. Nagkibit balikat si Cross.
"Tignan mo sa shower room, Zac. Tawagin mo na."
Sinunod ko na lang ang utos ng team captain. Isa pa, ayoko ng pinaguusapan nila. Una, hindi ko naman kilala si Sophia o si Nina o kung sino man sa kanila. Pangalawa, ayoko ng parang nababastos sila sa paraan ng pag uusap nila.
Liliko na sana ako nung may marinig akong pamilyar na naguusap.
"Dali na, isang round pa." Kumunot ang noo ko dahil paniguradong si Randon yon.
"Pero, baka mahuli na tayo? May lakad kami ni Zac mamaya." Hindi ko alam pero para akong nawalan ng dugo nung marinig ko ang boses ni Reina. My fist instantly formed into a ball.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
Fiksi Umum#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...