Pinanood ko ang repleksyon ko sa salamin. Napakagat ako ng labi. What's happening to me?
Pagkatapos ng birthday ni Harvey ay kusa ko nang iniiwasan si Zac. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa maaaring gawin sa akin ng puso ko.
"Trish, what the hell?! Hindi mo na dapat ginawa iyon!"
"I want to! Upos na pasensya ko s-" nanlaki ang mata ko nung hinatak niya ko at ikinulong sa kanyang mga bisig. Ikinulong niya ako sa yakap niya at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg.
"God I've never been this scared! Akala ko mapapano ka na! Hindi ko kakayanin kung ikaw ang masaktan niya." Nanghina ako sa mga sinabi niya. Ngunit ang aking puso...napakalakas at gusto nang makawala sa dibdib ko.
Ipinilig ko ang ulo ko nung maalala ko nanaman iyon. Goodness!
Hindi ko na alam. Paano nga kung unti unti na kong naiinlove sa kanya? I mean, kakatapos lang niya sa isang relasyon. Not that I want him to love me back. I am just scared that if he will know about this lalayuan niya ko. Kaya ako na lang ang lalayo.
Lumabas ako ng cr at andiyan nanaman yung mga paninitig sa akin. Umirap ako.
Bruhang Reina iyon! Ipinagkalat ng binugbog ko raw yung boyfriend niya! Sana pala eh talagang binugbog ko na! Tipong wala nang mukhang maipapakita!
Nagulat ako nung may mga grupong babae ang lumapit sakin. Napahinto ako sa paglalakad.
"Hi ate! Girlfriend ka ba ni Zac? Paki bigay naman po ito oh!" Inabot niya sa akin ang isang sobre. Nahihiya akong ngumiti. Hindi niya ko girlfriend!
"Ang bait mo naman! Nung si Reina pa ang girlfriend niya akala mo kung sino siyang maganda. Ugh!"
"I'm not his girlfriend." Pagaamin ko. Tinawanan niya ko na ininataka ko.
"Nako ate, sa amin mo pa tinago. Tanggap ka namin!" At umalis na sila. O....kay?
Pumasok na ko sa susunod na klase ko. Nilagay ko muna yung mga sobreng pinabibigay nila sa bag ko. Oh right, paano ko kaya ito ibibigay eh iniiwasan ko nga?
Habang nagklaklase ay lutang ako. Masama ang tingin sakin ni Reina. Aba, is she bitching me?
"May problema ka sakin?" Taas kilay kong tanong. Wag lang niya talaga akong babadtripin.
"Wala sana, how 'bout you, may problema ka sakin?" Lakas loob niyang tanong. I smirked.
"Wala rin sana eh. Pero yung kalandian mo kasi napakalakas ng aura. Pati sakin umabot. How's that?" Taas kilay kong tanong. Akala mo'y iiyak siya kaya tumalikod na. Bwisit.
Lumipas ang dalawang linggo at dalawang linggo ko na ring hindi pinapansin si Zac. Well, intentionally, kunware marami akong ginagawa. Ayoko muna, pero feeling ko kasi after ko namang lumayo sa kanya saglit ay mawawala na rin itong nararamdaman ko.
"Hoy gaga! Iniiwasan mo ba si Zac?" Tanong sakin ni Sophia isang beses. Ngumuso ako at tumango. Nalaglag ang panga niya at tuluyan nang ibinigay sakin ang atensyon.
"Bakit? Anong ginawa niya?" Nailang ako sa paninitig niya kaya tumingin ako sa baba.
"W-wala naman. Ano..." tinignan niya ko ng masama. Umirap ako.
"Wala!"
"Magtapat ka nga saking babae ka. May gusto ka ba kay-"
"Tigilan mo!" Pagpigil ko sa kanya bago niya pa mabanggit. Pakiramdam ko uminit yung pisngi ko kahit wala naman akong inaamin o kahit wala naman siyang pangalang binabanggit.
"Oh my gosh! Ang halata mo pala kiligin!" Nanlaki ang mata ko at hinampas siya.
"Gago wag ka ngang maingay! Napakaiskandalosa mo eh!" Sigaw ko. Nakita ko sa malayo na papalapit yung mga kaibigan ni Harvey. Jusko, kung ganito lang din naman kabungangera at kabulgar ang girlfriend ko hihiwalayan ko na sya!
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
Fiction générale#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...