What if...
May BFF's ka na lagi mong kasama.
Happy kayo together,
pero, pano kung may dumating na lovelife sa buhay nyo?
at magkakaconflict pa to sa mga BFF's nyo?
ano ang pipiliin mo? lovelife o friendship???
Hmm..
Malalaman natin yan as we read the whole story of 3-in-1 Sistory.
Oh diba mukhang kape lang ang dating..
I do hope na magustuhan nyo tong story na to, first time ko lang kasing gumawa eh. and actually itong intro na to,
nahuli na.. kung wala pang nagsabi sakin na kulang to, ayun magiging kulang nalang to ng tuluyan. haha!!!
Thanks sis Ross for reminding me.
alam kong mababasa mo to.
Hayaan mo na. haha!
This story is Dedicated to my friends. specially Ross and Nika.
Alam nyo yan..
..and syempre sa mga readers. sana magustuhan nyo tong first ever story na to. kung my comment man kayo or any suggestion na makakatulong sa story, don't hesitate to leave a comment or message sa account ko. Wag lang kayong mang-aaway. hahaha!!! sa mga nakakakilala sakin or friends ko just txt me nalang. hehe. anyway thank you, and sana maappreciate nyo tong simple story na to. Newbie pa lang eh.
Thanks Everyone.
Godbless
CHAPTER 1 - Hi Classmate
"Roan!!!!!!!!!"
napalingon ako kaliwa't kanan, inaalam ko kung sino yun. sa dami ng tao dito sa canteen nakakahiya di ko makita kung sino yung eskandalosa na yun.
"sino ba yun Jessie? ang sakit sa tenga nakakahiya dito sa canteen oh"
"ayun oh!!! may kumakaripas ng takbo" - tumingin si Jessie sa likuran ko.
lumingon ako. Ayun nakita ko na kung sino tumatawag sakin. C Nikki lang pala.
"hoy ano ka ba Nikki kung makasigaw ka naman jan nakakahiya tuloy nakatingin satin yung mga tao dito", nakakahiyang sabi ko kay Nikki
"Anong pake ko sakanila, hayaan mo silang tumingin satin", sagot ni Nikki sabay tumabi kay Jessie
"Walang pake ah. Wala kpa rin bang pake kung iisipin nilang nababaliw ka sa gingawa mo? pfff.", sabi ni Jessie na nagppipigil tumawa.
"naku hindi ako magdadalawang isip na isipin yan Jessie!!! mukhang aning si Nikki hahaha!"
"hahahaha!" tawa ni Jessie sabay nakipag-apiran kay Roan
"ayy sobra naman kayo kung makahusga.. isa lang naman akong taong naeexcite eh masama ba un? :( ". - yumuko si Nikki at aastang iiyak na.
"Ang OA ahh. kelan ka natutong magdrama Nikki? hahaha". - asar ni Jessie
"Iiyak na talaga ako!!!", - sagot ni Nikki
"Weh??!! Sige nga, patingin??!! hahahaha!", - Asar pa lalo ni Jessie
"Sshhtt... tama na nga yan, ano ba kina-eecxite mo jan?", - sabat ni Roan
"*sniff* Eh kasi nakita ko si Cru-- oh em gee!!! shocks papunta na sya dito!!",
- nanlaki ang mga mata ni Nikki at namumula na sya ng makita nyang papalit sa pwesto nila ang crush nya.
"ha??! sino??! saan?!" - tanong ni Roan habang palingon lingon sya sa paligid.
"Sus Nikki, wala naman eh" - hanap ni Jessie
Hinablot ni Nikki si Jessie at tinuro gamit ang pagdescribe sakanya.
"ah ayan ba? yang papalapit na yan dito?! Crush mo yan?!!!!" - biglang sigaw ni Jessi para may makarinig.
"Shemay ka naman eh! Alam mo pahamak ka" - tinakpan ni Nikki ang bibig ni Jessie na natatawa kay Nikki
"Eh Saan ba?" - sabi ni Roan
"Hi Classmate *wink*"
Nabigla si Roan kung sino yung bumati kaya lumingon sya mula sa likod nya.
"Oh ikaw pala yan Andrew. akala ko naman kung sino bumati sakin. hehe (n.n)"
"hehe ganun ba , wala lang gusto lang kitang batiin (n.n). o sige ah kita kits later sa classroom. bye Roan *smile* "
nagwave pa ng kamay si Andrew kay Roan at umalis na sa canteen.
Nanlaki ang mga mata at tulala si Nikki sa nakita nya.
"kilala mo pala yun?!!!" - tanong ni Nikki
"Uhmm.. oo? kasi...."
"Classmate mo sya??!!"
tumango si Roan habang nagtataka.
"Bakeeeeet!!!!!!" - sigaw ni Nikki
"Ano ka ba Nikki ang OA mo talaga, bakit ba ganyan ka nalang kung makareact jan, bakit.sya ba ung Crush mo?!"
- tanong ni Jessie
"Oo"
"Wow. Andrew is the name....Ahahahahaha!!! kawawa."
- biglang tawa ni Jessie
"Hoy Aling Jessing! hindi ako kawawa noh! tumigil ka nga jan!"
- sabat ni Nikki.
takang taka naman si Roan sa reaksyon ni Nikki ngayon.
"Eh teka Classmate ko lang naman sya ah" - pagtataka ni Roan
"Oo nga classmate mo sya, kaya nga matutulungan mo ko eh *wink*"
"ha??? anong tulong???"
*KRIIIIIING*
*KRIIIIIING*
"Naku, tapos na ang breaktime kelangan na nating pumasok sa classroom natin, Si Ma'am Lopez pa naman yung teacher natin ngaun nakakahiyang magpa-late tara na Nikki. una na kami Roan" - aya ni Jessie
"O sige tara na. bye Roan see you later."
"ok"
-- Umalis na ang dalawang bruha. Naiwan ako sa canteen. Tumayo na ko at naglakad pabalik sa classroom ko. Nagtataka talaga ako sa mga pinagsasabi ni Nikki. Eh ano naman kung classmate ko sya? I don't get her. May balak siguro syang kababalaghan. bwahahaha.Todo kwento na ko dito, hindi pa pala ako nagpapakilala senyo. haha! Hello readers, Ako nga pala si Roan Sanchez . oo Roan nga name ko pang-boy dba? pero actually girl na girl ako haha. 4th yr. high school na ko dito sa Queen Eran High, kapareho ko rin ng yr.level sina Nikki Dizon at Jessie Montecillo kaso hindi ko sila classmate this yr. last yr.kasi magkakasama kami sa iisang section kaya nabuo ang friendship namin. This yr.level lang ako napahiwalay nasa section 2 ako at section 3 naman sila. How sad.. ayoko sana mapahiwalay sakanila.
Si Nikki, naku kita nyo naman ang OA magreact , pikon.ang gulo pa nyan maingay pa. naku ang ligalig nyan parang hindi nauubusan ng energy.haha! pero masaya sya kasama di ka maboboring. Sakanya nga lang ako nakakatawa ng sobra eh, lalo na kapag nag-aasaran na sila ni Jessie. Good listener sya, minsan nga magugulat ka nalang ang galing pala mag-advice yan. hindi lang halata sakanya. hahaha!!!
Si Jessie naman, ayun hilig nyang mang-asar kay Nikki pero pikon din naman sya. Pikon sila pareho. hahaha! mapagkakatiwalaan yan nagsasabi ako jan ng mga lihim ko eh. tahimik sya pero makulit din. di nga lang sya gaanong namamansin sa iba kaya suplada ang dating nya akala masungit sya...pero... masungit talaga sya.hahaha! joke lang pero nasa lugar yung pagsusungit nya naman.
silang dalawa ang natatangi kong friends as in BFF's kami. Mga Sisters ko nga sila eh hehe.
Ay! andito na nga pala ako sa classroom ko. O sige ah aral mode muna kami. next chapter nalang ulit. :))
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...