CHAPTER 41 - Nikki's Side

39 1 0
                                    

A/N:

Babala.

Brutality Chapter Ahead...

Wag kayo masyadong madala sa mangyayari sa chapter na to huh!

SPG po.

Striktong patnubay ng magulang ay kailangan sa mga anak

Vote.comment.share.

Love ~ GummyBear127

========================================================

CHAPTER 41 - Nikki's Side

< Jessie's POV >

Lumayo na ko kela Roan, July at Andrew. Nagdial na ko sa phone ko at tinawagan si Darwin.

"Hello Darwin? Nasaan kayo ngayon?... Uh. Sige papunta na ko dyan. Hintayin nyo ko."

Tapos nagpunta na ko kung saan sila... Sa Garden daw.

"Nikki!" napasigaw ako nung nakita ko na sila, lumapit na ko kaaagd.

Nakaupo sila sa isang bench dun. Luhaan pa rin sya. Pero tahimik naman na. Nasa both sides nya sina John at Darwin.

"Jessie!" sabi ni John. Kaya naman napatingin na sakin si Nikki.

"A-anong gi-nawa mo dito?!" sabi sakin ni Nikki. Iniwas nya ang tingin sakin, galit pa sya. Pati ba sakin galit din sya?

Umupo ako sa harap nya. Para kausapin.

"Sabihin mo sakin, ano bang nangyari? Bakit kayo nag-away?!" tanong ko sakanya.

"Bakit ko pa sasabihin sayo? Eh napakinggan mo na ang side nya?! Wala ng sense para mag-explain pa ko sayo? Nauna na sya eh!" tapos inirapan nya ko.

Haaay. Nikki. =_____=

"Edi sana kung hindi ko gustong marinig ang side mo, hindi na ko nagpunta dito at kinampihan ko na si Roan. Eh hindi eh! Andito ako oh! Sa harap mo. Nagtatanong sayo!"

medyo nairita na rin ako, haaay ang iksi kasi ng pasensya ko eh. Pero hindi ako ganun sa inaakala nya. Wala naman akong kinakampihan sakanila eh. Wala din naman yun sa paunahan mag-explain.

Tumingin lang sya sakin at hindi nagsalita.

"Nahuli ko sya! *sniff*" biglang nagsalita si Nikki tapos umiyak na naman.

Tumingin ako sakanya. At hinayaan ko lang syang magsalita.

"Nahuli ko sya.. Uwaaaah." ayun, na nga.

"Tahan na. Wag ka ng umiyak" sabi agad ni Darwin sakanya.

"Ang sakit eh. Kaibigan mo, magtatraydor sayo! Jessie, manloloko sya! Wala syang kwentang kaibigan! Si Andrew pa talaga ang nilandi nya!"

"Te-teka. Anong nahuli mo? Ano bang nakita mo sakanila?"

"Nakita ko, halos maghahalikan na sila knina!!! Kitang kita ko!"

What?!!!!

"Si-sigurado ka dyan?" hindi ako makapinawala. Si Roan? Hahalikan ni Andrew? A-ano?

Nagulat din sila John at Darwin sa sinabi ni Nikki. Nanlaki ang mga mata ni John at si Darwin?

Nagngingitngit na sa galit.

"Alam nyang mahal ko si Andrew eh. Sakanya pa nga ako nagpatulong diba? P-pero bakeeeeet. Bakit nya ginawa to? Huhuhu. Niloko nya ko. Kaya pala bigla nalang akong iniwan ni Andrew dahil kay Roan pala... Waaaahaaaa.."

"Ayoko sanang maniwala nung una.. Diba, kung anu-ano ang ibinibigay ni Andrew sakanya, harap harapan pa sakin. Tapos nagdedate na kami ni Andrew pero lahat ng binili ni Andrew nung time na yun, ibinigay nya kay Roan. Di ko na sana papansinin ang mga bagay na yun. Kasi hindi naman talaga ganun ang nasa isip ko kay Roan eh. Pero kasi.. Nakita ko na talaga eh.. Kagabi palang... Tapos kanina ulit.. Niloko nila ako... Waaaaahaaaaa... Uwaaaah.." humagulgol na naman sya ng malakas.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon