CHAPTER 4 - Confession

80 5 0
                                    

> Roan's POV <

Pauwi na kaming tatlo galing sa restaurant. Grabe ang sarap ng food talaga dun. Lumiko na sa kanto si Nikki, so...kami nalang ni Jessie natirang naglalakad sa kalsada...

"Roan,"

"Yes?"

"Andun pala sa Resto si July"

"ha? paanong andun sya Resto? kumain din sya dun?" -- pagtataka ko.

"Sya nagbgay sakin ng menu. Family Business pala nila yung Resto na yun" -- seryosong sagot ni Jessie

" Ahh talaga, kaya pala umaalis na yun lagi kapag dismissal na kasi tumutulong pa pala sya dun, ngayon alam ko na. "

"Oo nga eh. Alam ko na rin na busy pala talaga sya. Sabi nga nya sakin, wag nalang daw ako maingay.. kaya sis alam mo na ha.. tahimik ka nalang."

"Okay sis, no prob. nga pala free ka ba ngayon? ayain sana kita dun ka muna sa bahay tumambay.."

-- aya ko kay Jessie.

"Oo naman. wala naman akong gagawin ngayon sa bahay eh. Pero bago muna yan, tutal naman nsa tapat tayo ng convenience store.ilibre mo naman ako jan, ice cream lang naman eh *smile* "

-- magaling na sagot ni Jessie.

-- Talaga tong si Jessie oh. Magkakasakit ata to kapag hindi humihiling ng libre. Seryoso na kami eh biglang magpapalibre.

* Convenience Store *

" Ang sarap talaga ng ice cream na to, ganito lang masaya na ko eh " -- Jessie

"Oo nga eh. Alam mo ba Jessie dahil sa ice cream na to may naaalala ako. Remember?"

"Uhm.. sa pagkakaalam ko ka-pangalan nya yung gustong gusto mong banda sa school.. tama ba?"

-- Jessie

"Oo .. yung 'I-Scream band' malapit na battle of the bands diba? makikita ko ulit sya. At sana sa pagkakataon na yun malaman ko na name nya." -- Roan

" Sino? yung vocalist? " -- Jessie

"Oo." -- Roan

" Ano kayang name nun noh? Ay! Si John, isa yun sa ka-bandmate nya diba 2nd voice sya nun. E kung tanungin ko kaya sakanya yung name nun? ^.^" -- Jessie

"Ay! yan ang wag na wag mong gagawin." -- Roan

"Ha? wala namang masama dun ah" -- Jessie

"Basta. Baka kung ano pang sabihin ni John satin nun. Alam mo naman ugali nun may pagka-tsismoso.. tara na nga uwi na tayo sa bahay.." -- Roan

* Roan's Residence *

Dere-derecho sa kwarto ko si Jessie. Binuksan ang TV at humiga sa kama. Watalyf diba???

Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay.

"Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito?" -- Sabi ko sakanya

"Bakit nga ba?" -- Jessie

"Tungkol to kay Andrew."

"Ha?! ano, bading ba sya??!! sinasabi ko na nga ba eh. hehehe"

-- bumangon si Jessie.

"Hindi ah! ang OA mo naman!!!"

-- Sabi ko sakanya.

"E ano?" -- Jessie

"Sandali tawagan natin sya. ila-loud speaker ko to ah kaya wag kang sasabat sa usapan. para marinig mo rin sasabihin nya"

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon