CHAPTER 36 - My Friends

37 1 0
                                    

CHAPTER 36 - My Friends

< Jessie's POV >

"Sige lang Ms. Jessie, tumakbo ka. Kapag itinuloy mo yang katigasan ng ulo mo. We better stop this kind of play at aalis na ko dito. Hindi na ko makikicollaborate sa next theater clubs. At mawawalan ng reputation tong school nyo. You got it?"

Naalala kong sabi ni Direk. Hay!!! Kailangan ba talagang ipasan nya sakin ang lahat???! Kainis!

"Oo, trabaho lang. Kung gusto mo dun lang tayo sa rehearsals magpansinan.. Hindi na kita mapipilit kung ayaw mo talaga sakin basta kailangan lang nating mairaos tong play na to."

Sabi naman ni July. Okay. TRABAHO LANG.

Trabaho lang talaga.. Yun na nga lang talaga ang nasa isip nya. Wala ng iba.

Napatunayan nya lang talaga na..

Wala talaga syang nararamdaman sakin...

Ouch ah!

Haynaku! Bakit ako nasasaktan? Dapat hindi na eh! Hmph!

Bumangon na ko sa kama ko. Kakagising ko lang kasi.. At naalala ko yung mga sinabi nila sakin.

Kung hindi ako babalik sa play ngayon, wala na yun. Aalis si Direk. So, sisisihin nila ako?!

Ehh ayoko na ngang makasama sa play si July eh. Buti sana kung ibang tao ang kapartner ko.

Teka. Bakit nga pala ako nag-iinarte. Eh Trabaho nga lang sakanya to. School Activity lang to sakanya. Bakit ba nagiging assumming ako na may feelings din sya sakin gaya ko?

Hay! Gaya ko?!! Bwiset naman oh!

*beep-beep

Biglang tumunog ang cellphone ko.

4 messages received.

Text message from: Sis.Nikki

'Sis, aasahan kong babalik ka mamaya para sumama sa 1st rehearsal natin, wag mo sana akong biguin. :( '

Hay. Si Nikki talaga oh.

Text message from: John

'Wag mo sanang sayangin ang pinaghirapan mo Jessie. Alam ko yang nararamdaman mo.'

Haaay. Napabuntong hininga ako. Nababasa talaga ako ni John. Kahit na hindi ko sabihin, alam nya ang nararamdaman ko. Alam nya rin kaya ang dahilan ko?

Text message from: Darwin

'Balita ko, nagkakaproblema ka kung itutuloy mo pa yung play o hindi na. Malaki pa naman ang ineexpect ko sayo. Papatunayan mo pa sakin na karapat dapat ka sa play diba?'

San naman nya nakuha ang balitang yan. Hindi naman halatang chismoso sya ah.

Text message from: July

'Sana hindi mo balewalain yung usapan natin kahapon. Aasahan kong ikaw ang kapartner ko sa rehearsal mamaya. Sayo kami nakasuporta lahat.'

Haynaku. Nagtext pa. For sure gustong gusto mo kasi sumali sa mga ganyang play. Trabaho nga lang ang focus mo diba?

Okay fine. Babalik na nga lang ako. Pasalamat kayo at mahalaga pa rin kayo sakin..

Bumangon na ko ng tuluyan at naghanda na papunta sa school.

Pagkarating ko sa school.

Nakita kong naglalakad na rin sila Roan at Nikko. Haaay. Nakakainggit sila, ang sweet nilang tignan. Nakuha pang magholding hands ng dalawang to kahit na maraming tumitingin sakanila.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon