A/N: Para naman to kay Jessie. Hope you like it.
Vote. Comment. Like. Share.
Love ~ GummyBear127
===============================
Chapter 49 - Bottled Water
< Jessie's POV >
After 5 days of my solo flight moment
"1, 2, 3, and! 1, 2, 3, and!" sabi ni choreographer namin sa dance entrance namin sa play.
Haynaku! Nakakapagod na ah! Paulit ulit nalang namin to ginagawa.. Talon, kembot, takbo, hataw, suntok, tadyak, sipa, ay.. Hindi na pala kasali yun. Haaaay. =_____= nakakapagod na.
Whole day na kaming nasa rehearsals. Paulit ulit ang sayaw pati mga scenes namin.. Pero good thing at kabisado na namin, nililinis nalang.
Jusko. Minamadali na rin kasi. Bukas na ng hapon ang play. As in totoo na to. Haaay. Parang ayoko ngang isipin eh. Natatae na ko kaagad. >____< kinakabahan ako.
Yup. Bukas na. Ang bilis noh! Okay na rin to. Para matapos na rin. At makapagpahinga na ng bonggang bongga!
Makakatulog na ko ng magdamag at hindi na gigising! Hahaha! Chos!
"Okay guys. Lets have a water break." phew! Salamat naman at naisip ni sir yan.
Nakabreak narin. Kaya lang water break daw eh. Wala akong water. =_____= kamalas. Ang dami kong pwedeng kalimutan yun pa. Haaay tiis tiis tuloy ako.
Umupo nalang ako sa sahig at nagpaypay nalang. Wala din akong pamaypay eh kaya palad ko nalang ang pinangpaypay ko. Okay na yan basta ang importante makaupo ako ngayon, sobra na yung pagod ko. Pero syempre mas masarap kung may hangin talaga..
* swish!
*swish!
Ayan! Presko! Ang sarap sa pakiramdam. Effective din pala tong kamay ko na pang paypay eh noh?
"Woooh. Ang sarap sa pakiramdam! Haaay." sabi ko.
Lakasan ko pa nga yung paypay ko. (kamay ko pa rin yan ah)
* paypay.
* paypay
"Haaaay. Ang sarap talaga sa pakiramdam! Presko!"
"Ano, napepreskuhan ka na?"
Hala!!! Sino yun?!
Napatingin ako sa gilid ko.
May napansin akong pamaypay sa gilid ko. At sino naman ang nakahawak dito para paypayan ako?
"Olan?"
"Anong Olan ka jan?!! Ako na ba si Olan ngayon?!"
Aww. Mali pala ako. =____= nahihilo na kasi ako sa pagod. Akala ko tuloy si Olan ang nakikita ko. Si July pala =_____=
Eh teka. Sinong may sabing paypayan nya ko?!
"Aay. Sorry naman. Akala ko sya eh." sagot ko sakanya. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Engot ko rin kasi eh noh? Hahaha!
Nadismaya tuloy sya sa nasabi ko. Pero pinapaypayan nya pa rin ako.
"Eh teka! Itigil mo na nga yan! Hindi naman ako naiinitan! Tsaka hindi ko naman sinabi sayo na paypayan mo ko ah!" pagtataboy ko sakanya. Pero ang totoo nyan.. Kinikilig din naman ako, pero slight lang ah!!! Ayoko ngang mafall sakanya diba? Iiwan din ako ng ungas na to!
Hindi pa rin nya ko sinunod. Pinapaypayan nya pa rin ako. Ang kulit din ng lahi nito eh noh?
"Tama na! Itigil mo na yan sabi eh!" sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...