CHAPTER 17 - Announcement

59 5 0
                                    

CHAPTER 17 - Announcement

> Darwin's POV <

KYYAAAAAAAAAH!

si Darwin!

Naglalakad ako ngayon sa hallway pero malapit na ko sa room.

Ano ba namang mga babae yan, pwede naman tumili na pabulong lang, hindi yung sobrang lakas nakakabingi na kasi eh araw-araw nalang, grabe ah. ganyan ba ko kasikat? hahaha! Sorry naman mga readers.. hindi natin sila mapipigilan talagang ganun eh. hahaha!

*kaway-kaway ayan nalang ang ginawa ko, hindi na ko ngumiti baka may himatayin sa kagwapuhan ko eh. hehe!

Pumasok na ko sa room ko, umupo na at nilapag ang bag ko.

"Hoy Darwin!!!!"

Sino yun? mukhang siga ah! Lumingon ako sa bandang kaliwa. Nakita ko si Jessie, nakangiti naman sya eh pero mukhang mang-aaway.. ha? ewan ang gulo ko. Basta papalapit na sya sakin ngayon, ano kayang sasabihin nya.. parang kinakabahan ako eh.

"Je- Jessie? bakit?" tanong ko sakanya. Nakasmile kasi sya eh. Ano bang meron?

"Ikaw na talaga! *toink!" binatukan ako ni Jessie!

"Aray ko?!!! bakit mo ko binatukan??!!" sabi ko sakanya, habang kinakamot ko ang ulo ko ng binatukan nya. kainis ah!

"Alam mo bilib ako sayo!" sagot sakin ni Jessie

"Ha? bakit naman? ganyan ka pala kapag nabibilib ka, nambabatok ka?!!!" sagot ko naman sakanya.

"Kay Nikki"

Nanlaki ang mga mata ko sakanya, alam na nya agad?! Paano?! umupo sya sa katabi kong upuan. Wala naman akong katabi eh.. special kaya ako dito wala akong katabi haha!!!

"A-- anong kay Nikki?" tanong ko sakanya, kunwari di ko alam.

"Ano ka ba, engot ka rin ba katulad nya? Alam ko na yang palusot mo. tigilan mo na yang pagpapanggap mo." sabi nya tapos humarap sya sakin.

"Anong pinagsasabi mo?" sagot ko naman sakanya. Pero hindi ko na sya tinignan, humarap na ko sa pisara.

"Sus! ayaw pa ipahalata. may gusto ka kay Nikki noh?" *gulp .. shockz alam na nya agad?!

"Ha?! hi-hindi ah.. ako magkakagusto dun?! Tss. nagpapatawa ka ba? hahaha" sagot ko sakanya, tinanggi ko nalang kasi kung aaminin ko baka mabuko na ko kay Nikki, kamuntikan na nga ako kahapon eh..

Butil-butil na ang pawis ko sa noo. hay. bigla akong nainitan sa tanong ni Jessie.

"Oh, bakit ka pinagpapawisan? naka-aircon naman ang room natin ah." biglang tumawa ng malakas si Jessie.. shemay! hindi pa kasi umalis eh

"ayaw pa kasing aminin eh" bulong nya sakin.

"Ma- mali ang inaakala mo ah." sabi ko nalang, hindi pa rin ako makatingin sakanya.

"Hay.. ayaw aminin." hinawakan ako sa balikat ni Jessie

"Sige, okay lang kung ayaw mong aminin.. basta alam ko na yan, don't worry di ko naman sasabihin sakanya, tsaka hindi nya yan mapapansin, alam mo kung bakit? " sabi nya sakin

"Bakit?" Napatingin ako sakanya.

"Engot kasi yun!" natawa na si Jessie sa sinabi nya.

Hindi na ko umimik, hindi ko alam irereact ko sa pinagsasabi nito eh.

"Mapagkakatiwalaan mo ko *wink." tinapik nya ko sa balikat ko at ngumiti.. tapos tumayo na sya at bumalik sa kinauupuan nya.

Maya-maya lang nakita ko na si Nikki, naglalakad na papunta sa upuan nya. Sa likuran sya ng classroom dumaan kaya madadaanan nya ko. Tatawagin ko sana sya kaso...

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon