CHAPTER 42 - Jessie's Focus

42 1 0
                                    

CHAPTER 42 - Jessie's Focus

< Jessie's POV >

2nd Day na ng rehearsals namin..

"Nakapagmerienda ka na ba?" bakit nagtatanong tong si July sakin? Bakit? Magpapalibre sya? Ang kapal nya ah!!!

Sumasabay kasi sya sa paglakad ko ngayon, papunta na kami sa MPH. Nauna kasing maglakad sina John at Nikki.

"Busog pa ko. Ayain mo nalang sila." sagot ko kay John.

Nakakainis naman kasi eh. Bakit kailangang sabayan nya kong maglakad. Hindi ba sya nakakaramdam na iniiwasan ko nga sya?

Ayokong mapalapit sakanya. Nang-iiwan yan sa ere eh. Pafall lang sya. Tapos kapag nafall ka na.. Babye na. Ang galing diba? Nakakabwiset.

Pagpasok namin sa pinto ng MPH. Andun na rin yung ibang supporting roles. At yung ibang stage actors and actresses.

"Jessie! It's Good to see you again." sumalubong sakin si....

.

.

.

.

Olan. ^_____^

Kyaaaaah! Andito pala sya?!

"Uhh. Hi. Hehehe. Mag-iistart na ba?" tanong ko sakanya.

"Hmm. Hindi pa naman. Mamaya pa siguro. Excited ka na magstart noh?" biro nya sakin. Tapos sabay ngumiti sya... Eeeeh! Pamatay talaga yung ngiti nya eh!

"Ehem!" nakalimutan ko, katabi ko nga pala si July. Hay! Ang epal. Bakit kasi sumasabay talaga sya?!

"Oh! Bro. Nice to see you again" bati naman ni Olan.

"Yeah, me too." ngumiti naman si July pero halata namang plastic eh. Hindi naman ganyan ngumiti yan kapag masaya sya eh..

"O sige, dun muna ako sa kabila ah." sabi ni July. Yun! Buti naman at umalis din.

"Uhm. Kumain ka na ba Jessie?" hala! Bakit ako tinatanong ni Olan ng ganyan? Mukha ba kong gutom?

Napahawak ako sa pisngi ko para kapain. Umimpis na ba? Bakit nya ko tinatanong ng ganyan?

"Ahahaha! Akala mo siguro mukha kang gutom noh? Hahaha. It's not like that, gusto lang kitang tanungin kung gutom ka ba para kung oo edi kakain tayo. Treat kita." napasmile tuloy si Olan sakin.

Eheheh. Napilitan lang akong tumawa. Pero ang totoo nyan. Bigla akong nahiya.

Haaaay. Ano ba naman kasing klaseng utak meron ako ngayon? Tama ba namang hawakan ko ang mga pisngi ko sa harap nya? Haaay! Award winning ang pagkaengot ko ngayon!

"Uh.. Hindi pa naman ako kumakain. Pero hindi naman ako gutom. Hehehe." sabi ko naman kay Olan.

"Edi hindi kita hahayaang magutom ka? So tara?" aya nya pa rin sakin.

Makakatanggi pa ba ako sa gwapong nilalang na to?

Tumango nalang ako at napangiti. Kinikilig kasi ako deep inside talaga eh. Hehehe.

"Ehem!" ano ba yan! Bakit andito pa rin to? Akala ko umalis na sya sa tabi ko kanina?

"Uhm.. Gutom na ko talaga eh. Kakain din naman ako, uhm. Pwedeng makisabay nalang sainyo?" sabi ni July?!

What?! Sasama sya?

Eeeeeeh! >____<

Panira ng moment eh!!!

"Sure!" sagot naman agad ni Olan.

Wala na. Yung moment sana naming dalawa. Wala na. Epal eh!!!

"Ano ba yan! Bakit makikisabay ka pa?" bulong ko kay July.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon