CHAPTER 26 – Nikki’s Big Day
< Jessie’s POV >
*CLASS DISMISSAL
“Hay.. sa wakas at uwian na.” Napatingin agad ako kay Nikki, tumayo na ko kaagad para tawagin sya. Balak ko kasing pumunta naman kami sa bahay ni Roan.. Para magchismisan, wala na kasi kaming chismisan moment eh . Alam nyo na. hehehe
“Nikki!” Tinawag ko na sya. Agad naman sya lumingon.
“Sorry Jessie, pero hindi ako makakasama sayo. Aalis kami ni Andrew.. alam mo na. BIG DAY ko ngayon hehe” bgla nya kong sinagot ng ganyan.
=____= Hindi pa nga ako nag-aaya, inunahan na nya ako kaagad. Inuna na nya ang BIG Day nya. Eto na kasi ang araw na gusto nyang kumprontahin si Andrew kung magiging sila na ba. Sinabi lang nya sakin to kanina ng breaktime, di ko akalaing ganito sya kadesidido kay Andrew.. Hindi ba parang ang panget sa babae ng ganun? hay sis.. goodluck nalang.
“Puro ka nalang Andrew. Andrew. Andrew TUKMOL.(narining ko kasi yan kay Darwin eh)” Sabi ko sakanya sabay tumalikod na sakanya. Kukunin ko nalang yung bag ko at uuwi nalang mag-isa.
“Andrew!” narinig ko si Nikki, nakita na nya siguro ang tukmol nya.
“Cheesy, tara na?” sabi naman ni Andrew sa jalusi ng bintana ng room namin.
“Sige!” lumingon naman kaagad si Nikki sakin “Bye Jessie. Next time sasama na ko sayo.” Tapos umalis na sila ni Andrew.
PSH.. sige jan ka nalang sa Andrew TUKMOL mo. Nakakapangselos.. kahit na sabihin kong di ako dapat magselos, pero as a friend, parang wala na kaming bonding time together.. pareho sila ni Roan, masyadong busy sa lovelife nila.. pano nalang ako? Ganito nalang ako? (Palibhasa kasi wala akong lovelife). Pero hindi rin ah! Gusto ko lang naman ng time.. namimiss ko na silang makasama.. L
“Sabay nalang tayo umuwi.” May humawak sa balikat ko mula sa likod.
*lingon.
“Darwin?”
“Oh? Nagugulat ka rin sa kagwapuhan ko? Jessie wag mong sabihing…” pagmamayabang ni Darwin.
*poink!
“Aray ko naman! Ikaw ah! Ang hilig mong mambatok!” sabi sakin ni Darwin habang kakamot-kamot sya sa ulo niya.
“Eh nakakabwisit kaya yung pinagsasabi mo jan!” singhal ko sa mayabang na Darwin na to.
“Aayain ka lang naman isabay pauwi este sa balak ko.”
Napalingon ako sakanya.. anong BALAK ang sinasabi nya? Tsaka para kanino?
“Balak? Kanino?” tanong ko sakanya.
“Papabayaan ko ba si Nikki na maganap ang Big Day nya?” *smirk.
Hmm. Mukhang may mganda syang gagawin ah! Haha! Sasama ako!
“Mukhang maganda yan Darwin ah!” sabi ko sakanya. Napangiti naman sya sa sinabi ko.
“Talagang maganda to. Kaya tara na..”
Lumabas na kami kaagad ng room. Habang naglalakad na kami ng hallway..
“Ano bang balak mo talaga sakanila ngayon? Tsaka may participation ba ko?” tanong ko habang palabas na kami ng hallway.
“Mananabutahe. Haha! Watch and Learn Jessie.. hehe. Ang gagawin mo lang eh kontakin si Nikki para malaman natin kung nasaan sila ngayon.” Explain nya sakin.
Sumakay na kami kaagad sa Van nyang ubod ng laki. Grabe eto yata ang van na ginagamit kapag may shooting.. may sariling damitan at bihisan, may mini kainan din. Haha! Grabe namangha ako. Di halatang pinaghandaan nya tong Big Day ni Nikki ah.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...