CHAPTER 37 - Memo Board

43 1 0
                                    

A/N: Wag sana kayong masyadong mawindang sa chapter na to huh. pls. hehe

enjoy reading!

love ~ GummyBear127

-------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 37 - Memo Board

< Roan's POV >

Natapos na rin ang rehearsals nila Jessie, Nikki, July at John.

Tawa ako ng tawa. Para kasing ang awkward nilang tignan sa mga pinagsasayaw nila eh. Lalo kay Jessie. Di talaga bagay kahit anong pilit mo. Hahahaha! De joke lang. Magagaling sila at halata namang nag-eenjoy sila.

"*panting. Ugh! Nakakapagod pala!" tapos lumagapak sa sahig si Jessie sa harap namin ni Nikko.

"Jessie tubig oh." nag-abot naman si July ng bote ng tubig kay Jessie.

Yes! Concern si July kay Jessie! May spark talaga sakanila eh.. ayaw pa kasi mag-aminan. Mga leche. Hehe.

"John penge ako!!!" tapos biglang inagaw ni Jessie yung bote ng tubig na hawak naman ni John sa isang tabi.

Hay. =_____= pahiya mode na tuloy si July. Ang arte ni Jessie ah!

"Ang arte mo naman! Ayan na nga inaabutan ka na ni July. Ayaw mo pa teh? Gusto pa kay John?" hirit ni Nikki na nagpupunas ng pawis. Hahaha! Buti at naisip nya yan tama sya. Ang arte nga ni Jessie. Ang arte arte!!!

Galit na galit eh noh? Hahaha.

"Pauwi na ba kayo?" tanong ko sakanila. Kasi kaya ko tinanong para sabay sabay na rin kami makauwi. Or kung hindi naman mauuna na kami.

"Ahh. Baka magpahinga pa ko, gusto kong humilata muna. Pagod na talaga ako eh." sagot agad ni Jessie. Tapos humiga na sya sa sahig.

"Mukha kang pulube teh, baso nalang kailangan mo. Gusto mong hanapan kita?" tanong naman ni Nikki sakanya.

"Gusto mong ingudngod kita dito sa sahig? Para mas mukhang pulube ka?!!!" sagot agad ni Jessie.

Hahaha! Natawa ako sakanila. Para silang sirang dalawa. Pero infernez. Bagay din siguro sakanya ang pulube role. Hahaha!

"De joke lang naman. Ikaw naman. Hehehe" tapos umupo na rin sa sahig si Nikki katabi ni Jessie.

"Uhm. Mauna na siguro kayo Roan." sagot naman ni John. Na umupo na din sa sahig.

"Sige. Magpahinga na lang kayo. Ako na lang maghahatid sainyo!" sabi naman ni Darwin. Hahaha dakila sya eh.

"Eh ikaw July? Sasabay ka ba samin?" tanong naman ni Nikko.

"Uhh pare, may dadaanan pa kasi ako tapos derecho na ko ng resto kasama si Andrew. Mauna na kayo siguro." sabi agad ni July.

"Ganun ba? Si-sige. Mauna nalang kami. Bye guys. Ingat kayo" sabi ko nalang tapos lumabas na kami ni Nikki sa MPH.

*Car park Area

Nasa loob na kami sa kotse. Sa wakas at nakasakay na kami, ang tirik kasi ng araw kahit hapon na.. Ang init tuloy sobra! Pawis na pawis na kami. Malayo layo din kasi tong Car Park sa MPH eh.

"Hay! Ang init noh?" di ko napigilan, ang init kasi talaga. In-untied ko yung ribbon ko sa blouse at binuksan ko ang unang butones ng uniform ko. Tapos tinapat ko yung aircon sa dibdib ko. Kaya medyo naaangat yung blouse ko. Nahahanginan na eh.

Edi presko na!!! Gumiginhawa na ang pakiramdam ko.

"Grabe, Ganyan ka pala kapag naiinitan? Mukhang naiinitan din ako ah!" biglang sabi ni Nikko.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon