CHAPTER 38 - Rainy Night

42 2 0
                                    

CHAPTER 38 - Rainy Night

< Andrew's POV >

7:00 pm

Naku! Nakalimutan ko!

Hindi ko pa pala nasauli yung notebook na hiniram ko kay Roan. Binuksan ko kasi yung bag ko. Hindi pa ko umuuwi.. Nandito pa ko sa BBR. Ayoko pang umuwi kasi eh.. Tsaka tumutulong nalang din ako kay July dito.

Napatingin ako sa bintana..

Ang lakas ng ulan. Pano yan, kailangan ko na rin isauli to. Wala pa naman akong payong..

Tama.

Pwede naman manghiram diba? Hehe baka meron si July dun sa office nila.

Nagpunta ako kaagad sa loob kung saan si July. Nasa dining area kasi ako ngayon sa counter.

"Tol, may payong ka ba? Ang lakas ng ulan eh" sabi ko kay July na nakaupo sa lamesa nya.

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong nya sakin kaagad.

"Isosoli ko to kay Roan. Nakalimutan ko kasi eh." sagot ko naman kaagad tapos pinakita ko na rin ang notebook nya.

"Uhh. Ganun? Sige wait." tapos hinalungkat nya yung bag nya.

*halungkat.

*halungkat.

"Pre, wala pala akong payong. Sorry. Bukas mo nalang kaya yan ibigay.. Umuulan, mababasa ka." sabi nya.

"May quiz tayo bukas.. Kailangan nya tong notebook. Baka ako pa sisihin nun kapag mababa score nya. Konsensya ko pa. Di bale nalang.. Uhmm. Sa employees mo, baka meron sila." sagot ko naman.

"Ay oo nga! May isa akong crew dito. Laging may dalang payong yung hindi foldable ah. Partida. Hahaha!"

"Oh? Sino naman sakanila?" tanong ko sakanila.

"Dexter!!!" tinawag agad ni July yung crew nya.. Sakto naman kasing pumasok sya sa office nito.

"Yes po?" sabi agad ng mabait na crew.

"Pahiramin mo naman ng payong si Andrew. Saglit lang naman." sabi agad ni July.

"Ah. Sige po." tapos lumabas na sya kaagad ng office.

Maya-maya lang, inabot na sakin ni Dexter yung payong nya.

"Sir. Eto na po" inabot nya kaagad.

"Wow. Thank you. Isosoli ko din to sayo kaagad promise." tapos kinuha ko na agad yung payong at lalabas na ko ng office.

"Pre. Dexter. Salamat ah. Alis na ko" sabi ko kaagad.

"Sige ingat."

Paglabas na ko ng restaurant.. Binuksan ko na agad ang payong at naglakad na. Sasakay na ko ng jeep.

Grabe ang lakas ng ulan. May bagyo ba? Parang wala namang binabalita...

"Manong, para po." bumaba na ko sa jeep.

Nandito na ko sa kanto papunta kay Roan.

Ang lakas pa rin ng ulan. Kailan kaya titila to? Ayaw humupa.

Kung hindi ko lang kailangang isoli na to sakanya. Hindi ako susugod ngayon.

*lakad.

*lakad.

*lakad.

O____O

Nabigla ako sa nakita ko.

"Roan!!!!!"

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon