CHAPTER 45 - Chance

42 1 0
                                    

CHAPTER 45 - Chance

< Jessie's POV >

Haay! Sa wakas! Nakaraos din kami sa rehearsals! Nakakapagod grabe.. Naka-apat kaming scenes ngayon. Pero okay na rin yun. Para kapag naayos na yung 10 scenes. Paulit ulit na naming gagawin yun hanggang sa maging pulido na.

Palabas na kami ng gate ngayon sa school. Pauwi na kami. Uwing uwi na talaga ako >___< pagod much.

"Ihatid na kita pauwi, gusto mo?" aya sakin ni July. Hawak nya na kasi ang bag ko. Hindi ko kayang buhatin dahil sa pagod ko.

Tsk. Hindi na ako tatanggi, papayag na ko hindi ko kasi mabuhat yung bag ko eh.

"Akala ko pa naman, derecho ka na sa resto nyo. Sama sana ako sayo eh." sabi naman ni Nikki.

Napatingin si July at Darwin sakanya. Eh kahit ako sana mapapatingin eh pero wag na.

"Gusto ko kasing makita kung andun si Andrew. Andun ba sya? Kamusta ang kalagayan nya?" tanong ni Nikki.

"Uhh. O-oo. Hehe. Andun yun." sagot naman ni July.

"Yey! Punta muna ako sa resto nyo ah! Kakain na din ako dun." masayang sabi ni Nikki.

Sumimangot naman si Darwin at nanahimik nalang. Napansin din ni July yung reaksyon ni Darwin kaya naman nagsalita ulit sya.

"Sumama ka na sakanya, Dar. Samahan mo si Nikki. Pagod din yan." sabi ni July. Napatingin si Darwin sakanya.

"Si-sige." sagot agad ni Darwin.

Hmm. Pansin ko lang, bakit parang iniiwas na rin nya si Nikki kay Andrew. At kailangan talaga isama si Darwin? Ano yun? Para may harang? Wow. Ibang klase. Hehehe!

Lumiko na kaagad sina Nikki at Darwin. Si John naman may bibilhin pa daw sya kaya hindi na sya nakisabay samin.

Kami nalang ni July ang naglalakad pauwi..

"Salamat nga pala." bigla akong nagsalita.

"Salamat saan?" tanong sakin ni July.

"Salamat kasi andyan ka para sakin. Akala ko nag-iisa nalang ako ngayon." ewan ko ba. Basta ko nalang nasasabi ang mga bagay na to. Ang gaang na kasi ng pakiramdam ko. All of a sudden, kahit ayaw ko. Talagang naniwala pa rin ako sa sinabi nya. Na nandito sya para sakin.

Ngumiti sya.

"Wala yun! Ikaw pa. Kelan ka ba naging iba sakin. Andito naman talaga ako para sayo eh kahit dati pa. Hindi naman ako lumayo." sabi nya.

Anong hindi lumayo? Eh sya nga tong nawala nalang bigla.

"Sinungaling. Ikaw nga tong biglang lumayo tapos magsasabi ka ng ganyan.." sagot ko sakanya. Totoo naman eh. Sya naman talaga ang lumayo. Iniwan nya ko.

"Uy hindi ah! May nangyari lang kasi may dapat akong gawin.. Pero hindi naman talaga kita iniwan." katwiran nya.

"Pwes, ano yung nangyari na yun at dapat mong gawin???" napatigil ako sa paglalakad at tinignan ko sya.

"Ahh. Basta, malalaman mo rin." sagot nya tapos naglakad lang sya.

Haaay! Ano ba kasi yun??! Gusto kong malaman!

< Darwin's POV >

Nasa BBR na kami ngayon ni Nikki.

Pagpasok na pagpasok namin...

Nagpunta agad si Nikki sa cashier nakita nya kasi si Andrew dun.

"Andrew." sabi ni Nikki.

Nagulat si Andrew dahil nakita nya si Nikki. Bigla nalang syang umiwas ng tingin.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon