Hello readers!
Sana magustuhan nyo tong Chapter na to. hehehe
basa lang ng basa.. hehehe
Thanks. Enjoy reading!
©+++++
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 21 - A Night Before
> Nikko's POV <
* Friday Night at my unit
"Harry, palayain mo na ang sarili mo! Matagal na kitang pinalaya diba? Pls. Tulungan mo naman ang sarili mo... hindi tayo para sa isa't-isa." sabi nung babae kaharap nya yung lalaking kausap nya
"Pero, Jema! ikaw pa rin eh" sagot agad nung lalaki
Lumapit ang lalake dun sa babae, tapos biglang bumuhos ang ulan..
"Ikaw pa rin ang mahal ko.." bulong ng lalake sakanya tapos...
Lumapit pa sya lalo sa babae para halikan na to..
"Hay! Ano ba yan! Napakacorny naman!" nasabi ko nalang habang kinuha ko na rin ang remote para patayin na yung tv. At para hindi ko na rin mapanuod yang walang kwentang palabas na yan.
Humiga nalang ako sa sofa dito sa sala. Nakatingin lang ako sa bintana.. habang pinagmamasadan ko ang mga bituin.
"Palayain mo na ang sarili mo" nasabi ko habang pinagmamasdan ko ang mga bituin
Hay!!! teka, bakit ko ba nasabi yun? Eh dialogue lang yun kanina sa pinapanuod ko eh! Nakakarelate ako ganun?
"Tss. Bwiset!" bumangon nalang ako sa sofa, kinuha ko na ang cellphone ko at ticket ng EK sa lamesa at dumeretso na ko sa kwarto ko.
*Kring.... Kring....
Huh? May tumatawag sa cellphone ko? Dali-dali kong tinignan kung sino yun.
July calling...
"Hello? Napatawag ka?" sinagot ko na kaagad yung tawag nya, may gusto rin kasi akong itanong sakanya eh.
"Uy, pare. Nakuha mo na ba yung ticket mo sa EK? Bukas na kasi yun eh." tanong agad sakin ni July
"Oo, nakuha ko kay Roan kahapon, teka bakit na kay Roan ang ticket ko kung kayo naman ang bumili nito, sana kayo nagbigay inabala nyo pa yun." sagot ko kaagad sakanya habang umupo ako sa gilid ng kama ko
"Eh busy kasi ako eh, alam mo naman diba? Andito ako lagi sa resto. Pero buti naman at nakuha mo na pala sakanya.. pumunta ka bukas ah" sabi naman sakin ni July
"Tss. Basta sumama din kayo bukas ah!" sigaw ko
"Aray! masakit sa tenga! Oo na! Basta kahit di naman ako makasama dun may makakasama ka naman eh. Teka maiba tayo, nagpunta sa room nyo kahapon si Roan diba? Bakit hindi na sya bumalik?!" biglang natanong ni July yun.
Nang narinig ko yun, parang nanigas ako. Bakit nahalata nya kaagad na wala si Roan nun, kung sa bagay classmate nya kasi eh. Hay! bakit ba napakachismoso nitong si July!
"Ahh ano kasi hinimatay sya, baka na-over fatigue ganun. kaya pinagpahinga nalang sya.." ayan nalang sinagot ko, ayoko ng maungkat pa yung buong nangyari.
"Over fatigue? talaga? E parang masinglang masigla pa sya nun ah!" sagot na naman ni July. Ayaw ba maniwala nito?
"Eh sa yun nga ang nangyari eh! bakit ba ang kulit mo?!" naasar na ko ah!
"Haha! Chill lang bro! hindi ko na nga tatanungin, nagsusungit ka na naman eh! hayaan mo bukas sa EK magiging masaya ka"
"Ano ba yang sinasabi mo?" Ano ba yung pinagsasabi ni July? Parang alam nya ang mangyayari eh.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...