CHAPTER 44 - I'm here Jessie

42 2 3
                                    

A/N:

Sana magustuhan nyo to. Malapit na nga palang matapos to.. Sana support lang kayo hanggang sa dulo.

Love ~ GummyBear127

============================

CHAPTER 44 - I'm here Jessie

< Darwin's POV >

9:00 pm

*tugsh.tugsh.tugsh.

"Inom ka pa!!!" sabi sakin ng katabi ko.

"Pare ayoko na. Hilo na ko! Shayo na lang tohh. Shayo na toh!" inaabot ko na sakanya yung baso ng alak na hawak ko. Nilapag nya kasi to sakin eh..

Eh ayoko na. Hilong hilo na ko. Parang umiikot na nga ang paningin ko.

"Mash kelangan mo yan Jarwhin.." ano ba namang lalake to! Mapilit naman!

"*Hik!* Ikaw talaga Nikko. Kelan ka pa naging mapilit. Shabihin mo shakin. Kelan pa yan?" sabi ko sakanya.

"Shushuko ka nalang vah? Inumin mo tonh basho! Walang mangyayari shayo kung hindi ka magiging matapang na inumin yang laman ng basho! Hindi mapupunta sha tyan mo yan kapag hindhi mo ininom!" pilit pa sakin ni Nikko.

Bakit nya ba pinipilit sakin yung baso???

"Alam mo, shayo nalang to. Imunin mo na to" pilit ko din sakanyang iabot ang baso.

"Hindi ko kailangan yan. Inakala ko kasing masharap. Mapait pala. Pinaniwala nya kong masharap ang lasha nyan eh. *Hik*" sabi nya tapos tinabing nya yung baso.

Inilapit ko ang ulo ko sakanya. Dinikit ko ang noo ko sa gilid ng pisngi nya. Gusto ko kasi syang tanungin.. Pero ang bigat ng katawan ko at hindi ko na kasi kayang ilakas ang boses ko.

"Ano ba yang shinashabi mo? Di ko magetsh eh. Hik!" sabi ko sakanya.

"Halika nga! Puntahan natin sya!" tapos inakbayan nya ko, tsaka sya umalis sa pagkakaupo nya sa stool. Hinila nya ko palabas ng bar na to.

Sumakay kami sa kotse ko. Pero sya na ang nagdrive.

"Shan tayo pupunta?" tanong ko sakanya.

"Pupunta tayo shakanya." sabay start ng engine at pinaandar na nya ang kotse.

Shinong shakanya ba yun?

< Nikki's POV >

Lagpas alas nueve na ng gabi. Hindi pa rin ako inaantok.

Kanina pa ko nakahiga dito sa kama. Paikot ikot. Pero wala pa rin nangyayari. Hindi pa rin ako makatulog...

Haaay. Iniisip ko kasi si Jessie. Kamusta na kaya sya?

"Hayaan mong magtino sya sa nagawa nya satin." yan ang huling sabi sakin ni Roan pagkalabas namin ng resto. Nagkabati na kami agad dahil kay Jessie.

Kailangan ko munang layuan sya. Para magsilbing leksyon sakanya yung pagpapabaya nya.

"Oy! Kalimutan mo na sya! Walang kwenta yun! Ako nalang kashiii!"

Huh?! Ano yun?! Boses yun sa labas ah! Agad akong bumangon at sumilip sa bintana.

* Broooomm!!!!

Isang kotse lang ang nakita kong umalis. Wala naman akong nakitang tao. Kotse lang..

Teka. Kotse ni ....

Darwin ba yun?

Ay hindi. Bakit naman pupunta dito yun? Guni-guni ko lang yun. Asa namang pumunta yun dito.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon