> Roan's POV <
It's break time!!!
Yipiee! Nagtext na si Jessie na nasa canteen na sila. Gotta go na.
- Canteen -
Nakita ko na agad sila Nikki at Jessie. Kumakaway na. hehe lumapit na ko sakanila.. Ano kayang binili nilang pagkain?
"Ano yang binili nyo?"
"Eto maruya at sago with milo"
sagot ni Nikki
"As usual." dagdag pa ni Jessie
"Lagi naman eh, haha. my sting kaya silang tinda ngayon, masarap to kasama ng cheese stick! haha" nagpunta na ko sa mga foodstand.
> Nikki's POV <
"Maganda yata ang mood ni Roan ngayon ah" sabi ko kay Jessie
"Oo nga eh, ano kayang meron" sagot ni Jessie
Maya-maya lang dumating na si Roan
"Tara! let's eat" ang ganda ng ngiti ni Roan habang paupo na sya.
"Parang sobrang happy mo yata ngayon? Anong meron?" Tanong ni Jessie habang kumakain ng maruya.
"Ay. sobrang halata ba???" tanong nya sakin habang nagpapacute pa.
Ehh? ang lakas ng tama nito.
"Ehh? kelan kang natuto gumanyan?" nagtataka ako sa kilos nya eh..
"Kahapon? eh kasi magkasama na kami ni Nikko may love kahapon, nagsimba kami" she giggles while sharing
"What????!!!!!!!" napasigaw ako sa sinabi nya.. totoo kaya yun?
"Shhhh. wag ka naman maingay." she said
What happened to her? parang hindi na ko updated ah.
"Ganito kasi yun, I have my checklist to achieve my goal, and my goal is to help Nikko move-on from Hannah, her ex-girlfriend, actually dala ko yung memo pad ko. eto yung list.." may kinuhang mini memo pad si Roan from her bag, at inabot samin.
My Mission for Nikko
1. Pagkwentuhin ko si Nikko
2. Patawanin sya
3. Bigyan ng pagkain
4. Ayaing igala si Nikko
5. Lagi syang kausapin at kaibiganin
6. Turuang magmahal ulit (optional)
Binasa namin ni Nikki, nagtaka kami bakit may ganito pa syang ginawa..
"Seryoso ka sa mga nilista mo dito sis?" tinanong ni Jessie, habang ako naman, binabasang maigi ang memo ni Roan
"Yup, seryosong seryoso, in fact may dalawang nagawa na ako jan sa mga yan eh, yung mga nakacross out na jan.. kahapon ako nagstart dyan sa mission ko na yan and I think magiging madali naman lang sakin gawin ang iba." wow! bilib naman ako sa fighting spirt ni Roan, ganyan sya kadesidido kay Nikko
"Bilib ako sayo teh, wala na kong masabi.." sabi ko sakanya.. she smiled at me lang.
"E etong number 6, sure ka bang magagawa mo to? sure ka bang ikaw na ang papalit kay Hannah?" Jessie asked Roan seriously.. bakit parang napakaseryoso sa buhay nitong si Aling Jessing, parang pasan na naman nya ang mundo eh.
"Teka bakit parang pasan mo ata ang mundo ngayon Jessie? nabibigatan ka na ba? Kanina pa kitang napapansin serious eh." I asked her
"Tsss.. hindi ka na nasanay sakin, Oh ano Roan?." binalik ni Jessie ang usapan kay Roan
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomantiekThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...