> Nikko's POV <
"Wahahahaha!!!" tawa ako ng tawa sa ginawa nya dun sa mumu na yun,
Nakaupo na kami ngayon sa bench malapit dito sa exit ng Horror House.
"Tawa ka ng tawa dyan. Nakakatakot kaya!" sabi nya sakin. Inirapan nya pa ko, napipikon na siguro sya sakin.
"Huh?! Takot ba yun? E mukhang yung mumu pa yung natakot sayo eh, tama ba namang bugbugin mo yun? hahahahaha!!!!" tuloy lang ako sa pang-asar.
"Sige. tawa ka lang jan" sagot sakin ni Roan
Hindi na nga ako tatawa.. baka mapikon na to at masira pa tong araw na to.
"Wow! Cotton Candy!!!!" biglang may tinuro si Roan banda roon
Huh?
"Asan?" agad agad naman akong lumingon sa paligid.
"Ayun oh! Ano ba naman yan! Hindi makita ang lapit lapit lang!" sabi naman ni Roan sakin.
Asan na ba kasi?
*lingon-lingon
Ayun!
"Gusto mo?" tanong ko sakanya
Ngumiti lang sya sakin.
Hay! Ano ba namang ngiti yan! Parang bigla akong kinabahan na naman! Ano ba namang buhay to oh.. parang natataranta na ko.
Tumayo na ko kaagad para makaiwas na rin sa ngiti nya. Bibili na nga lang ako!
"Dyan ka lang bibili ako" sabi ko sakanya at tumayo na ko sa bench. Agad-agad na kong nagpunta dun sa nagtitinda ng cotton candy...
> Roan's POV <
Bakit ganun? Parang napapansin ko mabait na sakin si Nikko? Ang weird naman ng araw na to, sigurado nito sa susunod na magkita kami, bubulyawan na naman nya ko.
Umalis na sya kaagad sa kinauupuan namin at bumili ng cotton candy.. hay.. kahit anong anggulo nya talaga.. ang GWAPO nya!!! Lalo.na kapag nakikita ko na syang tumatawa..
Kahit na nagmumukha na kong tanga at fun stuff sakanya, ayos lang kasi nakikita ko na syang sumasaya.. Effective! Wahahaha!
Mabait din naman sya. At napaka-caring pa nyang tao pala.. Ayiiieee! Kinikilig ako sa totoo lang, nung pinapatahan nya ko.. tsaka yung hinawakan nya yung kamay ko kanina.. hay..sana nga hindi na matapos yung nangyari kanina na nasa Horror House kami eh.. di bale ng matakot ako basta kadikit ko sya.
Hahahaha! Haynaku umandar na naman ang kalandian ko! Teka muna, kailangan kong magfocus sa agenda ko.
Nilabas ko yung list na ginawa ni July.
Likes ni Nikko
1.Roller Coaster
2.Cotton Candy
3.Photo booth
Roller Coaster? Check!
Cotton Candy? Check! eto na nga eh.. sya pa bumili haha!
Photobooth nalang pala ang kulang..
At magiging successful na tong EK na to!
Tinupi ko na ulit yung papel na hawak ko.
> Nikko's POV <
"Ano yan?" tanong ko sakanya. Nakita ko kasing may tinutupi syang papel eh.. kaya natanong ko
"Ah wala.. hehehe." sagot nya sakin agad, nagulat pa nga sya eh.. nilagay na nya agad yung papel sa bag nya.
Umupo na ko sa tabi nya at iniabot ang isang stick ng cotton candy sakanya.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomansaThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...