CHAPTER 5 - Truth

90 4 2
                                    

> Roan's POV <

Andito kami ngayong tatlo sa sala.

tahimik. ang akward ng feeling. hayy ayoko ng ganitong atmosphere, kelangan ko ng umpisahan to.

"Uhm.. Andrew tutal naman alam na namin na my gusto ka pala kay Nikki. Ano naman ang nagustuhan mo sakanya"

"Ah si Nikki. masaya kasi syang tignan. charming. lagi syang high energy, yung parang kapag kasama mo sya parang mabubuhayan ka, parang sisigla ka rin. tama ba? ganun naman sya diba?"

"oo tama ka jan.. e pano mo naman sya nagustuhan?" Seryosong tanong ni Jessie

"Nagsimula yun nung class natin nung 3rd yr. yung nakaraang battle of the bands nun.natapos na yung contest kaya nakita ko sya sa gate hinihintay yata kayo. ako naman pauwi na rin. may mga bully na estudyante na lumapit sakin at pilit kinukuha yung wallet at cellphone ko. kung hindi sasaksakin nila ako.nakatutok na nga yung balisong sa gilid ko eh. lumapit si Nikki kasama ng guard sa school sinumbong nya yung mga nangbully sakin kaya ayun naligtas ako kaagad walang nakuha sakin. mabuti nalang at andun sya.di sya natakot na tandaan yung mukha nya ng mga nangbubully na yun. Pagkaalis nila binigay sakin ni Nikki yung panyo nya,pawis na pawis kasi ako nun sa takot. Simula nun natandaan ko na sya at naging crush ko na rin kasi napakabait nya"

"Ay oo nga natatandaan ko yun. may kinuwento samin si Nikki na may nakita daw syang parang hinoholdap ng kapwa estudyante after ng battle of the bands."

-- Sabi ni Roan

"Ang tagal kasi nating lumabas nun eh. Pano kasi gusto mo pa makita yung vocalist ng 'I Scream' na yan. Teka muna bakit di ka natatandaan ni Nikki ngayon na ikaw pala yung niligtas nya?" -- sabat ni Jessie

"Imposibleng matandaan pa nya ko. Ibang iba kasi ang itsura ko dati. Nag iba na ko ng ayos para narin sa kaligtasan ko baka kasi balikan pa ko ng mga bully na yun eh. Tinanggal ko salamin ko. Nagpagupit ako. Pinakinis ko yung mukha ko para di na talaga ako matandaan." -- Nahihiyang sagot ni Andrew.

-- Hindi na nakasagot sina Jessie at Roan. Nabigla sila sa sinabi ni Andrew sa pagbabago ng itsura nya.

"Nabigla siguro kayo. Malaki ang pinagbago ng itsura ko. Pero ako pa rin to. Mahinang tao. Mahiyain. Tahimik. Duwag" -- nakayukong sabi ni Andrew

"Duwag??" -- Jessie

"Oo. Ilang beses kong sinubukang isoli yung panyo ni Nikki sakanya kaso kapag lalapit na ko bigla na kong kinakabahan. baka hindi nya ko makilala nahihiya ako. kaya di ko na masosoli yun remembrance nalang siguro."

"Sus, isosoli lang eh. tsaka gwapo ka na ngayon wala ka ng dapat ikahiya." -- Roan

"Hindi ko kaya. Nahihiya ako kung sakaling makilala nya ko sa dati kong itsura.. maalala din nya kung gaano ako kahinang tao. nakakahiya" --sagot ni Andrew

"bakit hindi mo subukan?" -- Jessie

"Hindi ko kaya sa ngayon. Okay na siguro na manahimik muna. hindi pa ko handa sa pwedeng mangyari kung magpapakilala ako sakanya na ako yung niligtas nya dati. Ano na magiging tingin nya sakin, ako si Andrew na mahinang tao?" --katwiran ni Andrew

"Totoo naman eh"--bulong ni Jessie siniko sya agad ni Roan at tinitigan ng masama.

"Kung sa bagay, mahirap nga yan. Ayaw mo rin naman na masira kay Nikki diba? siguro darating din ang tamang oras na masasabi mo ang totoo sakanya kapag nasabi mo na yun, Im sure na lalakas na rin ang loob mo.mababawi mo na rin yung dati mong image sakanya."

-- sagot ni Roan

"Ang galing mo mag-advice friend ah ikaw ba yan?"--pag-asar ni Jessie

"Ano ka ba panira ka naman ng moment eh. maganda na eh sinira mo pa."--sabi ni Roan

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon