CHAPTER 24 - Sunday Fever

77 5 5
                                    

CHAPTER 24 - Sunday Fever

> Roan's POV <

9:00 am

"Mmm.."

Aww. bakit parang ang sakit ng ulo ko??? Napahawak ako sa ulo ko.

(0___-)

huh? Nasa sala ba ko???

"Good Morning! Kain ka na! Tamang tama katatapos ko lang magluto ng soup.. kailangan mo to"

Napalingon ako sa gawing kusina.

"Jessie???"

"Yes? Ayaw mo?" sagot nya sakin

Babangon na sana ako, tumingin ako sa lapag, hala!!!!

Si Nikko ba to?! Tinignan ko sya ng maigi para alamin kung sya nga yun

"Yes.. si Nikko yan, may sakit din parehas kayo.. Ano bang pinagagawa nyo ni Nikko kagabi? Ha? Aminin mo nga! Hahahaha!" inasar ako ni Jessie

"Hala! Wala ah.. sobra ka naman!" sagot ko sakanya.

Kaya pala parang ang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit ng ulo ko pagkagising ko kanina.. yun pala may lagnat ako, ganun din si Nikko. Bumangon na ko, hinakbangan ko na si Nikko at nagpunta na sa kusina para makakain.. syempre bago ako umupo sa dininh area, naghilamos muna ako sa lababo noh! Anong akala nyo..

"Tinex kasi ako ng kapatid mong si Rey kagabi, kung pwede daw bang magpunta ako dito ng umaga kasi nga walang magbabantay sainyo, aalis daw kasi sya.. Walanjo yang kapatid mo, ginawa pa kong tagapag-alaga nyo!"

Natawa naman ako sa narinig ko sakanya..

"Ehh asan si Nikki? Wala ata sya dito?" Napansin ko kasing sya lang ang andito sa bahay.

"Baka mamaya pa yun pupunta dito, kasama nya si Andrew ngayon magsisimba sila.." sagot sakin ni Jessie, kumuha na rin sya ng bowl nya para makakain na rin..

"Wow! Nagkakamabutihan na ata sila! Hehehe" sabi ko naman tapos humigop na ko ng soup.

"Mukha nga eh. haha! Akala ko ba ayaw sabihin ni Andrew na may gusto sya dun? Eh bakit parang dumada-moves na?! Hahaha" tanong sakin ni Jessie.

"Haha! Ewan ko baka nauntog tapos natauhan. haha!" sagot ko naman

Nagtawanan kaming dalawa. Pero syempre hindi masyadong malakas baka maistorbo na si Nikko eh, tulog pa rin kasi.

"Oh! Gising ka na pala Roan!"

Huh? Sino yun? Tumingin ako sa pintuan namin

"July ^__^ buti nandito ka" sabi ko,

Ngumiti lang sakin si July at nagpunta na sya sa lababo, may mga dala sya eh.. mukhang huhugasan nya.

Napatingin ako kay Jessie na nakatingin din kay July.

"Alam mo napapansin ko sainyo, lagi nalang kayo magkasama.. kayo ah" bulong ko sakanya. haha!

Naasar yung mukha ni Jessie tapos bumulong din sya sakin.

"Hoy Roan umayos ka ah, wala lang kasi akong kasama tsaka sya rin naman nagtanong kung pwede daw ba syang sumama." sabay inirapan nya ko

"Ayiiieee!" asar ko sakanya

"Eto kainin nyo pagtapos nyo jan, kelangan nyo to, lalo ka na Roan" sabi ni July, habang nilalapag nya ang mga prutas sa lamesa.

"Mmm. July?"

Napalingon kaming lahat sa sala.

"Oh gising ka na pala Nikko, Good Morning!" sabi ni July.

*yawn

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon