CHAPTER 30 - John's Birthday

39 1 0
                                    

CHAPTER 30 - John's Birthday

< Darwin's POV >

Nakabalik na sila Jessie, John at Nikki dito sa room, hinihintay ko din silang makabalik eh.. Excited din kasi akong malaman kung kasama sila sa play.. lalo na si Nikki. Haha! kahit na sinapak nya ko kahapon, hindi ako galit sakanya.. Baka nga sya pa ang galit sakin eh

"Darwin!!!" naku! Ayan na nga sya. Papalapit na sakin! Galit pa rin kaya sya sakin? Natatakot ako! Baka sapakin na naman nya ko eh.

Ayan na! Lumalapit na sya!!!

Waaaah! sabay nagcover ako ng mukha ko. baka kasi masapak nya ko eh. Mahirap na. >___<

"Ano ba yang ginagawa mo? Bakit tinakpan mo yang mukha mo? Ayaw mo ba kong makita?" narinig ko mula kay Nikki.

Inalis ko kaagad yung cover ng mukha ko. Nakakahiya tuloy...

"Hahaha!!! Mukha kang tanga Darwin" sabi naman ni John.

"Hindi mukhang tanga.. tanga talaga sya." bumanat naman si Jessie. Haynaku naman oh! Nakisali pa.

Mas lalo tuloy nagtawanan sila Nikki at Jessie.

"PSH. Haynako. Tama na nga yan.. ano na bang resulta? kasama ba kayo sa play?" tanong ko sakanila.

"Yes!!! Kaya ang saya-saya ko!!!" ngiting ngiti naman si Nikki my love. Haha!

"Ako din noh! Ako pa mawawala dun? Ts.. kalokohan." sagot pa ni John.

Hindi naman sumagot si Jessie. Hinihintay ko lang syang magsalita.. kaya lang mukhang wala talaga syang sasabihin kaya naman ako na ang nagsalita.

"Oh, bakit hindi ka nagsalita Jessie? Hm.. siguro hindi ka nakuha noh? Hahaha! Sabi ko na nga ba eh.. Hayaan mo na, hindi ka daw bagay dun eh. Haha!" pang-aasar ko sakanya. Pero joke ko lang naman yun kaso...

Walang tumawa.

"Naku patay." sabi ni John

"Bakit mo sinabi yun Darwin!" sabi naman ni Nikki.

Seryoso na ang mukha nila. Napatingin naman ako kay Jessie. Wala kasi talaga syang imik eh..

Waaaaaah! Mukha na syang nasasaniban!

"Je--jessie? He.he. Joke lang yun?" sabi ko. pero natatakot na ko nyan, ibang klase kasing magalit yang si Jessie eh.. Naku naman.. ano ba kasi tong sinabi ko. =____=

"Walangya ka!" sigaw nya sakin..

O_____O

Takbo!!!!!!!!

Kukunin na nya sana ang kwelyo ko kaso Dali dali akong tumakbo sa loob ng room.. hinahabol na nya ko eh. Waaaah! End of the world ko na yata!!! Help!

"Halika ditong haup ka!!!!" nagsisisigaw sya sa room habang hinahabol ako.

Takang taka yung mga classmates namin eh pero napapahawi nalang sila kapag dadaan kami.

"So-sorry na!!! Sorry Jessie! Tama na pls!" sagot ko sakanya pero tumatakbo pa rin ako.

"Halika dito! Pagbabayaran mo yung sinabi mo sakin!!!!" galit na galit talaga sya.

Hay... help naman jan, wala bang pipigil sakanya?!

"Andyan na si Ma'am" nagsalita na si John.

PHEW! nakahinga na ko ng maluwag.. umupo na si Jessie sa pwesto nya katabi ni John. Kaya ako din umupo na rin. Ganun din yung mga classmates ko. Thank you talaga kay John at sinabi nyang andyan na si Ma'am.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon