CHAPTER 32 - KARAOKE part 2

49 2 2
                                    

A/N: Pasensya na kayo kung may mali sa lyrics dun sa kanta ni John pero nacorrect ko ma sya promise! hehe.

Haha! Palusot.com

Eto na readers oh! Part 2 na ng Karaoke!!! Yeah yeah yeah.

May magbabalik tanaw jan.. At may aminan jan!

Waaah! Excited na ko! Basahin nyo na!

Enjoy reading.

Love ~ GummyBear127

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 32 - KARAOKE part 2

< Darwin's POV >

Hay.. Busog ako sobra.. At for sure ganun din sila.. Eh ang dami ba namang pagkain eh.. Tsaka hindi lang naman ako ang may sagot nito, pagdating sa pagkain.. Kasama na rin sila Nikko at July. Tinawag ko muna sila nung magbabayad na ko kanina sa counter, inuna ko na muna kasi yun bayaran bago yung unit.

"Bakit mo kami tinawag, may sasabihin ka ba?" tanong agad ni Nikko.

Nagmamadali naman to!

"Oo nga, ano ba yun?" sunod naman ni July.

Nilahad ko yung kamay ko sakanila. i lend my hand in front of them.

"Sa tingin nyo ano to?" sabi ko sakanila.

"Uhh.. Kamay?" sagot ni July.

"Palad! Sus. Ang dali-dali eh. Hindi mo pala alam ang tawag dyan?!" sagot naman ni Nikko.

Hahaha! Ambobees. Naman ng mga to, naturingang mas mataas pa sila sa section ko eh. Hindi pala nila alam toh!

"Alam kong kamay to at palad naman to. Ano ba yan ang engots nyo." sabi ko sakanilq.

"Eh yan nga ang tawag dyan eh!" nairita na si Nikko. Haha!

"Eh kasi naman, mga pre. Hingi tong paglahad ng kamay ko. Hingi po. Hinge." sagot ko sakanila.

"Hingi? Anong hihingiin mo? Limos?" tanong naman ni July.

"Anong limos? Ang mayamang katulad ko? Manlilimos? Ts..Penge ako ng share nyo sa kinain natin, masakit na sa bulsa yun eh.. Nabusog naman kayo diba?" sabi ko sabay ngumiti na rin ako sakanila. Hahaha!

"Sus! Sana pala kwek-kwek nalang ang kinain natin. Mas masarap pa kwek-kwek eh." sagot ni Nikko.

Hahaha! Ano?! Kwek-kwek?! Naadik naman to sa kwek-kwek!

"Di mo naman sinabing magsheshare pala kami sana naghanda ako ng pera. Pano to konti lang ang laman nito." sabi ni July habang tinitignan ang wallet nya.

Buti pa to mabait eh.

"Oh eto. Eto lang kaya ko eh." nag-abot ng 300 php sakin si July. Hindi daw sya naghanda ah..

"Eto lang sakin. Yung 100 kasi na itinira ko, pambibili ko ng kwek-kwek pa." ayun at 200php ang binigay sakin ni Nikko.

Tss.. Pwede na nga to. Atleast naka 500 pa rin naman.. Hahaha!

Nagpunta na ko sa counter para magbayad.. At sila naman bumalik na sa unit...

Nakabalik na ko kaagad sa unit after kong magbayad...

"Woooh! Go Nikki!!!" narinig ko mula sa sliding door.

Huh?! Ano? Nikki daw?!

Si Nikki na ba ang kakanta???

Waaaah! Hindi ko pwedeng palagpasin to!

Dali-dali kong binuksan ang sliding door at umupo agad ako sa sofa...

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon