CHAPTER 6 - With him

88 5 1
                                    

< Nikki's POV >

Totoo ba yung narinig ko?

gustong sumama sakin ni Andrew?

Eh wala naman talaga akong pupuntahan eh...

Eh kung umuwi nalang kaya ako ng maiuwi ko na rin sya samin tutal naman sabi nya gusto nya kong samahan eh. ha!ha!ha! ay ang landee ko na naman..

"Okay lang ba sumama Nikki?" tanong ulit sakin ni Andrew habang naglalakad kami.. Shemay nabibingi ata ako sa naririnig ko sakanya ngayon!

"Alam mo ang totoo nyan, hindi ko talaga alam pupuntahan ko ngayon eh" sagot ko sakanya habang nakayuko ako, hindi ko kasi sya kayang tignan baka mahimatay ako

"Edi ako nalang mag-iisip kung saan tayo pupunta ngayon, okay lang ba sayo?" sagot nya, anak ng tinapa bakit mapilit to, anong nakain nito?

"sige na please Nikki. kahit ngayon lang" Tama ba naririnig ko kay Andrew?

"Oo na. sige"

Ang hirap makatanggi shemay kainis naman talaga oh. Diba dapat mainis ako sakanila kasi bakit palihim syang pumupunta kela Roan ng hindi pa ipapaalam sakin. Bakit di ko magawang mainis. >.<

"Tara" biglang hinablot ni Andrew ang kanang kamay ko at hinila nya ko ng malakas kinaladkad nya ko sa gitna ng kalsada..

hindi naman ganun. echos lang. hindi sya masamang tao. hinawakan nya lang yung kamay ko tapos sabay kaming naglakad sa gusto nyang puntahan..

Wait... hinawakan nya yung kamay ko tapos sabay kaming naglalakad ngayon???? tama ba to?? eeeehh! parang kaming magkarelasyon nito!!! sana sa dulo na ng tawi-tawi yung gusto nyang puntahan para matagal na matagal tong holding hands while walking namin! ang landee ko nakakainis.

"Andito na tayo Nikki" tumigil kami sa harap ng playground.

"Tara upo tayo sa swing" aya nya sakin.

Umupo kami sa swing.. ang tahimik ng paligid walang katao tao kami lang.. yun lang. ang lungkot diba.?

"Uhm. Andrew"

"Yes?" lumingon sya agad sakin.

"Bakit mo ko dinala dito?"

"Hindi ko alam eh" ah okay ang ganda ng sagot nya ah ano to lokohan kami?

"Ah ganun. gusto mo maglaro noh? gusto mo magslide nahihiya ka lang sabihin sakin aminin mo na kasi" sinagot ko nalang sakanya.

"hahaha! ayan gusto ko sayo eh napapatawa mo ko" tumingin sya sakin habang nakangiti.

ANO Daw??

"Siguro nagtataka ka sakin ngayon kung bakit ganito ako sayo eh hindi naman talaga tayo close" sumeryoso sya. Napatingin ako sakanya di ko na alam isasagot ko.

May nilabas syang picture sa wallet nya at inabot nya sakin para makita ko.

"Pamilyar ba sayo yan?" tanong nya habang inaabot nya sakin ung picture ng lalaking mukhang weird.

Pero parang nakita ko na nga yung nasa picture di ko lang matandaan kung saan ehh..

"Oo pero di ko alam kung saan ko sya nakita dati, sino ba yan?" tanong ko sakanya.

"Ako yan" bigla nyang sabi sakin

Napatingin ako sakanya.. tinitigan ko sya tapos tinitigan ko rin yung picture. Parang hindi naman eh.

"weh?" yung lang nasabi ko sakanya

"titigan mong maigi" tinitigan ko nga gaya ng sinabi nya. oo nga hawig nya yung nasa larawan pero di ako naniniwalang sya yan.

"Yan yung lalaking niligtas mo sa labas ng gate ng school." bigla nyang sinabi habang nakatingin sya sakin.

"Sa school?" yan nalang nasabi ko nagtataka kasi ako kung sya ba talaga to eh

"Oo. Battle of the bands nun tapos may hinihintay ka sa labas ng gate, ako naman binubully ng mga estudyante pilit nilang kinukuha yung wallet at cellphone ko, nakita mo ko nun tinawag mo yung guard tapos ng nahuli yung mga bully na yun pinahiram mo sakin yung panyo mo para magpunas ng pawis at luha kong tutulo na. Natatandaan mo pa ba yun?" kwento ni Andrew

"Natatandaan ko na. pero ikaw ba talaga yung lalaki na yun? ang layo eh hindi ako makapaniwala talaga"

Pagtataka ko sakanya.

"Masyado na ba akong gwapo sa paningin mo di tulad ng itsura kong yan?" sagot nya habang ngumiti sya sakin. shocks yang ngiti nyang yan nakakatunaw eh

Hindi na naman ako nakasagot. May nilabas syang panyo sa bulsa nya..

at....

Akin nga yun.

"Teka, panyo ko yan ah" sabi ko sakanya

"Oo sayo nga to, ito yung pinahiram mo sakin" inabot nya sakin yung panyo

"Edi ikaw nga talaga yun?" tanong ko sakanya.

Nginitian lang nya ko ng bongga.

"Bakit ang laki ng pinagbago mo?"

tanong ko sakanya

"Nikki pwede ko ba makuha cp number mo?"

Ay. ano ba yan may tinatanong pa ko eh.. Pero sige ibibigay ko number ko. hahaha! Kinuha ko yung cellphone nya tapos tinype ko nalang yung number ko.

"Salamat" sabi nya habang inabot ko sakanya ang cellphone nya.

"Gusto mo ba ng makakain?" tanong nya sakin

"Naku. wag na busog pa ko eh ayyy." bigla na naman nya kong hinila sa kung saan yun pala kay manong solbetero lang pala.

"Pumili ka ng flavor" sabi sakin ni Andrew

"Sabi ko naman sayo wag na busog ako"

"Sige na. magtatampo ako sayo nyan :(" tumingin sakin si Andrew

hayy. osha sige na pipili na ko.

"Cheese"

"Manong dalawang Cheese flavor please" sabi nya kay Manong solbetero

"Sige sir. Tutal cheesy naman kayo ng girlfriend nyo. :) "

-- Aba! kelangan talaga my dialogue si Manong??!

"Uhh. Manong hindi nya ko girlfriend" sagot ko kay manong pero gusto ko sana! haha!

"hayaan mo na" sagot ni Andrew. ibig sabihin ba nito gusto nya ko maging girlfriend? yiiieee!!!

Bumalik na kami sa swing at kumain ng icecream.

"Favorite mo ba ang cheese flavor?" tanong nya sakin

"Oo. ikaw?"

"Favorite ko din yun pareho pala tayo" sabay kain ng icecream

-- Akward na naman yung feeling ko ngayon ang tahimik na naman. Uwi na lang kaya kami? Nang naubos na namin ang kinakain namin inaya ko na syang umuwi.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon