Writers note: Hello readers!
Nagustuhan nyo ba ang chap. 13? waah! jan na mag-uumpisa ang conflict! Naku yari na si Roan neto. hehehe
Hello nga pala kay Nikki at Roan! haha.. wala akong mabati eh sila palang..
Enjoy reading mga friends, kung my comment kayo gora lang! pero wag yung mang-aaway ah. hehe anong masasabi nyo sa mga lead characters.. sina Roan, Nikki at Jessie? Eh sa mga leading men nila? sino dun ang bet nyo na partner nila? hehehe. go! sabihin nyo lang sakin! dali! Excited na ko basahin ang mga comment nyo! hehe.
--------------------------------------------
CHAPTER 14 - Kwek-Kwek!
> Roan's POV <
Wag nyo kong guguluhin.. busy ako.
Hmmm!!!! Mukhang masarap to!!!
Uy! hello readers! Naku pasensya na ha... nagluluto kasi ako ng Kwek-kwek ngayon eh.. Alam nyo naman. haha!
Ang aga ko gumising para lang makapag-luto hehehe
Ngayon kasi ang araw, para ituloy ang mission ko! Dadalhan ko ng pagkain si Nikko.
Maya - maya lang, nagpunta na ko sa dorm nila Nikko. Hayy nakakapagod magdala. ang bigat eh!
9:00 am na pala, gising na kaya si Nikko my love???
"Ahh ehh, Good Morning po Ate Osang.. andyan po ba si Nikko?"
Nakita ko kasi si Ate Osang na nagwawalis sa harap ng gate nila eh
"Oh iha, ang aga mo ata? Oo andyan sya sa loob. katukin mo nalang *smile*"
"Salamat po *smile*" pumasok na ko sa loob ng gate. at nagtungo na sa hagdan paakyat sa unit ni Nikko
Hay! ang bigat naman! sobrang dami atang nagawa ko ng kwek-kwek eh.. hindi ko mabuhat ng matagal.. ano kaya kung kumain muna ako nito para mabawasan??? Ay! wag mauubos ko to baka lalagyan nalang yung maibigay ko nito hahaha!
Humakbang na ko paakyat ng hagdan.
"Miss ako na"
May humawak sa handle ng lalagyan ko ng kwek-kwek. Sino naman kaya yun? Lumingon ako para makita sya
Isang....
Gwapong bading??!
hahaha! echos lang. pero ang gwapo nya talaga! may nakatira pa pala dito na gwapo bukod kay Nikko? Napanga-nga ako sakanya (*O*)
"Miss? Okay ka lang?" *kaway-kaway sa mukha ko.
"Miss?"
"Ow! ahh oo okay lang ako. he.he.he. sorry nagulat kasi ako eh" hay!!! ang engot ko talaga! nakanga-nga akong natulala sakanya. eeeh! ayoko nito!
"Hehe. tulungan na kita" ngitian nya ko tapos kinuha nya yung dala-dala kong puno ng kwek-kwek
Hindi na ko nakapagsalita, basta umaakyat nalang kami sa hagdan.
"Mabigat pala tong dala mo, tapos binubuhat mo pang mag-isa? ano bang laman nito miss?"
"Kwek-kwek" dali-dali kong sinagot sakanya.
"Kwek-kwek??!!! seryoso??!" napatingin sya sakin dahil sa narinig nya eh, halatang nagulat sya. hahaha!
"Hehehe" ayan tawa nalang sagot ko. Medyo nakakahiya kasi eh
Malapit na kami sa pintuan ng unit ni Nikko.
"Ay. Ayan na pala, naku salamat sa paghatid ah, thank you talaga" eeeh! kinikilig ako! sabi ko sakanya yan hindi na ko makatingin, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tumili pa ko sa harap nya haha!
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...