> Roan's POV <
Sumakay na kami sa Van nila Darwin, alam nyo di ko alam kung bakit napasama kami sa mga to eh, baka mamaya sa talahiban kami mapunta nito, tapos gang rape na pala to.. Naku!!! wag naman sana.. pero syempre joke lang yun, di nila magagawa yun.
Di kalayuan lang pala ang pinuntahan namin, tinamad lang silang lakarin.. Andito na kami sa dorm ni Darwin. Nagluto daw ang mama nya ng handa dahil winner sila kaya nag-aya daw sya.
Ang swerte namin! nakalibre lafang kami nila sis! tiba-tiba si Nikki at Jessie nito.
Pagpasok namin sa dorm nila Darwin, building style pala sya akala ko bahay lang. hindi naman ata tong dorm na matatawag eh, condominium na ata to, ang laki ng building sobra.
Nagtinginan kaming tatlo dahil nalula kami sa laki eh.
pagpasok namin sa entrance, napakaspacious tapos ang daming empleyado dun na bumabati samin lalo na kay Darwin.
Nacurious lang kami, bakit ang dami atang empleyado dito parang lobby ng hotel yung style sa loob. kaya tinanong ni Nikki
"Darwin, aminin mo nga hindi to dorm diba?" tanong ni Nikki sakanya, napatingin si Darwin sabay ngumiti.
"Alam mo ang cute mo kapag nagtatanong ka." yun lang ang sagot ni Darwin sakanya. sabay kinurot sya sa pisngi, napahawak sa pisngi si Nikki nasaktan ata sya sa pagkurot ni Darwin
"Uy...." asar ng lahat sakanila maliban samin nila sis Jessie at si Andrew na seryoso ang tingin sakanila.
"Parang may something sainyo ah" sabat ni John sakanila.
"Tsss. Parang nagtatanong lang eh" sagot ni Nikki sabay inirapan nya si John
"Ang sungit naman," napakamot sa ulo si John
Lumapit si Darwin kay Nikki, sumabay sya sa paglalakad.
"Sa tingin mo anong klaseng building to?" pagtatanong ni Darwin sakanya
"Condo? pero parang hotel eh, ang ganda kasi ng paligid, elegante..." sagot ni Nikki.
"Actually mali ka, Condotel ang tawag dito, condo na hotel." paliwanag ni Darwin sakanya, sabay kumindat.
Inirapan naman sya ni Nikki sabay lumingon sa kabila
"Tsss. ang yabang naman."
lakas loob nyang sinabi yan kay Darwin
Ganyan yan si Darwin, mayabang talaga sya, pano kasi sobrang yaman na nga sikat pa, well lahat sila sikat pero sya yata ang pinaka sikat bukod kay Nikko my love. Sya rin ang pinakamayaman. Mabait naman sya kaso sadyang napakayabang lang nya, ewan ko ba kung bakit ang daming kababaihang nahuhumaling dyan sa mokong na yan. Buti nalang si Nikki hindi, madalas nga nyang barahin yan eh haha!
Andito na kami sa unit ni Darwin,
"Welcome back sir Darwin, nghanda po ang mommy nyo ng pagkain para sainyo" sabi ng maid nya, grabe pagpasok na pagpasok palang namin ayun agad ang sinabi.
"Asan sya?" tanong ni Darwin sa maid
"Umalis po, magkikita daw po sila ng mga amiga nya sir Darwin" magalang na sagot ng maid sakanya
"Ano? Sir? Ginagalang mo yan?" biglang sabat ni Nikki
Nagtawanan ang lahat sa banat ni Nikki. Nagtataka naman si Nikki kung bakit nagtatawanan ang lahat. Napatingin sakanya si Darwin sa sinabi nya eh.
"Teka, anong masama sa sinabi ko? nagtatanong lang naman ako ah" pagtataka ni Nikki
"Iba ka talaga sis!!! ikaw lang ang nakakagawa nyan. hahaha!!" sabay sabi ni Jessie
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...