Writer's Note: Hello ulit readers! nagustuhan nyo ba ang last chapter? Tamang senti na si Nikki eh noh? Abangan nyo ang moment ni Nikki .. meron pa yan.
Pansinin nyo, puro kumakain ang mga characters natin. haha! Wala lang gusto ko lang lagi silang kumakain.. ayoko silang nagugutuman eh. hehehe!
Sige basta i'll try na hindi naman puro kain ang ginagawa nila, baka kasi ang ending nyan tumaba na silang lahat! haha!
comment. like. vote.
gora lang!
Enjoy reading!
----------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 15 - Searching for Nikki
> Darwin's POV <
"Jessie, si Nikki nasa clinic"
Yan ang sabi ko sakanya, sakto naman dumating na si Ms.Pascua.
Kaya ayun, hindi na kami nakapalag.. umupo nalang kaming lahat at naglong quiz.
After 1hour...
"Okay class! pass all your answer sheets!"
Pinasa na naming lahat ang answer sheet.. goodluck naman sa sagot ko. Hindi ko naman alam na may long quiz pala. Biglaan. Hay.. stock knowledge nalang ang inaasahan ko.
"Uhm class. listen, we will have a meeting today, about yun sa upcoming event natin, Ang world history. so, maaga ang class dismissal natin ngayon. Umuwi na kayo. Enjoy your day class. Goodbye"
"Woooh!!" nagsigawan ang lahat ng mga kaklase ko,
Ako naman, kinuha ko na ang bag ko at patakbo na ko palabas ng room. Pero bago yun, tinawag ko muna si Jessie
"Jessie!!!"
Tumingin naman sya sakin, habang kinukuha na nya ang mga gamit nya, mukhang paalis na rin sya.
"Mauna ka na, susunod ako sayo. Dadaan muna ako kay Roan para isama ko. Okay?" sagot nya sakin
Tumango nalang ako sakanya, mukhang alam na nya ang gusto kong sabihin sakanya, naintindihan na nya ako agad. Dali-dali akong tumakbo sa hallway papaunta sa clinic, para balikan si Nikki.
"Darwin, san ka pupunta?" Hindi ko napansin na papalapit na pala ako kay July.
Hinawakan nya ko sa braso, para mapansin ko sya.
"Pare saan ka ba pupunta? bakit nagmamadali ka?" tanong sakin ni July habang hawak nya ko sa braso
"Pupuntahan ko si Nikki! sasama nalang ako sainyo sa susunod, pasensya na bro." tapos pumiglas na ko sakanya. Everytime kasi na maaga ang uwian, lagi kaming tumatambay kahit saan, basta tatambay kaming magbabarkada.
Pero ngayon, kelangan ko munang unahin si Nikki. Ang pagtambay makakapaghintay naman eh, at tsaka may susunod pa yan. Pero ang kalagayan ni Nikki, hindi.
Nakarating na ko ng clinic.
Binuksan ko ang sliding door, para makita ko na si Nikki.
"Nikki?"
"Nikki?"
Walang sumasagot? Binuksan ko ang kurtina ng kamang hinigaan nya. Pero ng binuksan ko.
"Ano ba pare?! masakit ang ulo ko! natutulog ang tao eh"
Iba ang tumambad sakin, eh lalake to eh?
"Sino ba ang hinahanap mo?"
may nurse na pala sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...