CHAPTER 27 - I'm Always Here for you

56 3 0
                                    

Author’s Note:

Hello ulit readers! Ayun sana hindi kayo mabagot kakahintay ng next chapters .. eto na oh minamadali ko na oh. Hahaha! Thanks nga pala sa mga sumosoporta ng story na to ha .. Sana sumuporta pa rin kayo until the end ..

Nga pala may susunod akong ipapublish na story .. the story entitled “She’s like a Man” RomCom po ang gagawin ko jan, pero ewan ko lang kung maging RomCom sa taste nyo. Hehe .. tapos meron pang isa “Love on Stage” yan Seriously Romance lang yan, pero teen fiction naman ..

Tsaka na ko magbibgay ng hint kung tungkol saan ang mga yan. Hehehe.. baka mawala na yung atensyon ko dito kay 3-in-1, at maloka na ko ng tuluyan kung pagsasabay sabayin ko yang tatlo nay an .. hehe.

Yun lang! ^__^ maiksi lang naman tong chapter na to, puro pagdadrama lang ni Nikki at Darwin..

Enjoy Reading!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

CHAPTER 27 – I'm always here for you.

< Nikki’s POV >

*lakad.lakad

Hay.. pasok na naman. Ayoko sanang pumasok, tinatamad ako eh.. feeling ko wala naming gagawin ngayon dito sa School..

“Sis!” narinig ko may tumawag sakin habang papasok na ko dito sa room.

Si Jessie pala yung tumawag sakin, tinignan ko lang sya habang kumakaway at papalapit na sakin dito sa pintuan ng room.

“Okay ka lang ba?” tanong nya sakin, halata sa mukha nyang nag-alala sya sakin.. mula kasi nung nangyari kahapon..

*sigh.

I smiled at her and say ..

“Okay lang ko. ^__^ okay na ko sis.”

Umupo na ko sa pwesto ko dun, ayoko munang humarap sakanya .. kasi ang totoo nyan hindi pa rin ako Okay, sinabi ko lang yun sakanya.. ayoko rin kasing mag-alala sya.. sya mas naiistress kasi kesa sakin eh.. Magmumukhang sandamukal yung mukha nyan, ang sagwa. Hahaha!

PSh! Tama na nga! Seryoso nga ako ngayon diba? Bakit ba naiisip ko to ngayon?

Yumuko nalang ako ditto sa desk ko, pwede naman sigurong matulog muna diba..?

“Good Morning Ma’am Lopez!”

At ayun na nga .. dumating na si Ma’am …

“Okay Class .. blah.. blah.. blah.. blah..”

Iniisip ko. Ano kayang dahilan ni Andrew?

“blah.. blah.. blah.. blah..”

Gusto ko syang makita..

“blah.. blah.. blah.. blah..”

Gusto ko syang makausap..

“blah.. blah.. blah.. blah..”

Hay.. ano ba talaga ang dahilan nya? Bakit kasi ayaw nyang sabihin sakin???

“blah.. blah.. blah.. blah..”

=___= Oo sige ma’am, wala talaga akong maintidihan .. pero, may gusto akong intindihin..

Gusto kong maintindihan ang dahilan ni Andrew! Hinid pwedeng ganito nalang noh?

Tumayo na ko kaagad sa kinauupuan ko. At naglakad na palabas ng room.

“Where are you going miss Dizon???” =___= patay.. nakalimutan ko may teacher nga pala sa harap ng room.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon