A/N: Para naman to kay Roan. Eeeeh! Sana kiligin kayo.
Enjoy Reading.
Vote. Comment. Like. Share.
Love ~ GummyBear127
=================================
CHAPTER 48 - The Suitor
< Roan's POV >
"Lalalala... Lalala.. Lalala.." sabi ko habang nag-aayos ako ng uniform ko. Feeling ko kasi ngayon magiging masaya at exciting tong araw na to!
Hindi pa rin siguro ako makaget-over kagabi na nandito si Nikko. Jusko ayoko na matapos yung araw na yun, ang saya saya ko at kasama ko sya.
Gusto ko na nga syang kayang sagutin eh... Pero sabi ni Nikki magpigil daw ako. Patagalin ko pa. Para masaya! Hahahaha!
Lumabas na ko sa kwarto at bumaba na hagdan. Dala dala ko na ang bag ko at pati sapatos ko.
Nagpunta na ko sa sala at sinuot ko na ang bag at sapatos ko. Tapos binuksan ko na yung pinto...
Oooohhhh!!!
Bakit sya nandito?
"Ang tagal mo naman, kanina pa kita hinihintay." sabi nya sakin. Nakasandal sya kotse nya. Kita ko na sya kaagad kahit may gate pa kami. Eh parang rehas lang naman yung gate namin eh.
"A-anong ginagawa mo dito? Ni-nikko?" parang kagabi lang magkasama tayo ah.. Ikaw naman! Eeeeh!
Syempre di ako nagpahalata na kinikilig ako. Magpipigil nga ako diba?diba?diba?
"Sinusundo. Ang tagal mo nga eh." sagot nya kaagad sakin
Aba! Ako pa ang matagal ngayon? Eh hindi ko naman sinabing maghintay sya at para sunduin ako noh!
"Hi-hindi naman ako nagpapasundo ah." sagot ko sakanya.
"May nanliligaw bang hindi sumusundo sa nililigawan nya? Hindi yata proper na panliligaw yun!" sagot nya sakin tapos ngpout sya.
\(*0*)/ eeeeh! Ang cute nya kapag nakapout!
Haaay! Magpipigil nga ako diba?
"So, tara na?" ngumiti sya sakin tapos hinila na nya ko pasakay sa kotse nya.
Pagdating namin sa school...
"Akin na yang bag mo. Baka nabibigatan ka na." sabay kuha nya ng bag ko.
"Oh! Hi-hindi naman mabigat eh." hinawakan kong maigi ang bag ko na inaagaw ny sakin.
Bakit kukunin pa nya yung bag ko? Hindi ko naman sya kargador eh!
"Let me do this for you. Suitor mo ko diba? Ayokong mapapagod ka." sabay hablot nya ng bag ko.
Hindi nalang ako nakapagsalita. Naagaw na nya yung bag ko eh. Ano pa bang sasabihin ko.
Pwede ko bang sabihin na... Kinikilig ako?? Kyaaaaaaah!
Medyo nakakahiya nga lang. Pinagtitignan kasi kami ng mga tao dito sa hallway papuntang room namin.. Napapayuko nalang ako. Nakakahiya kasi eh. Parang bawat tao na madadaanan namin nakatingin samin. Okay lang kung kay Nikko lang eh.. Pero pati sakin? Waaaah! >____< baka awayin na nila ako. Baka pintasan nila ako. Baka pagbantaan nila ako!
Waaaaah!
Nakakatakot!!!
Ayoko ng ganun!
Ayoko!
"Andito na tayo." sabi sakin ni Nikko.
Hindi ko namalayan na nasa room na pala kami kakayuko ko kanina.. Parang ang bilis naman... Hehehe.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...