CHAPTER 22 - EK part 1

65 4 3
                                    

Read, Vote, Comment, Share

Gora! 

Enjoy reading!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 22 - EK part 1

> Roan's POV <

*krrriiiiiinngggg!!!!!!

"Waaaahh!!!!!"

Nagulat ako sa alarm ko! Dali-dali akong bumangon para patayin ang alarm clock ko...

"This is it!" sabi ko agad, tapos kinuha ko yung cellphone ko para tignan kung may nagtext.

'Goodluck Roan! Aja!' 

si July pala yung nagtext.

'Thank you.' I replied back.

Tumayo na ko sa kama ko, at nagpunta sa salamin...

"Go Roan! Kaya mo yan! Mission number 4 mo na to!" sabi ko sa sarili ko.

Feeling ko magiging masaya at exciting tong araw na to!!!

Naligo na ako kaagad, nagbihis, naluto, kumain.. muli akong bumalik sa kwarto ko para manalamin..

Hindi kasi ako mapakali eh.

"Ok na ba tong itsura ko?" ewan ko, basta hindi talaga ako mapakali..

Parang feeling ko hindi ako maganda.. special kasi tong araw na to eh.. alam nyo yun, hahaha!

Umandar na naman ang kalandian ko. Nakakabwiset lang.. haha!

Parang may kulang kasi sa itsura ko ngayon eh...

Kumuha ako ng powder at pinahid ko sa mukha ko.

Kumuha pa ko lip and cheek tint ko at pinahid ko sa mga labi at pisngi ko.

Hmm. ano pa ba? Ah! alam ko na!

Kumuha naman ako ng panali at suklay para ayusin ang buhok ko.

hinati ko ang buhok ko, tapos tsaka ko tinali yung kalahati sa taas...

Ayan! Okay na to! 

Ngumiti pa ko sa harap ng salamin para malaman kung okay pa rin ba ang itsura ko kahit nakangiti na ko..

Ayun, mukha akong baliw sa harap ng salamin.. hahaha! Pwede na to siguro. Kinuha ko na yung ticket ko, cellphone, yung list na ginawa ni July..payong (in case na umulan), at pulbo (malay mo mahagard ako! haha!) at nilagay ko sa bag ko.

*para! para! 

Sumakay na ko ng jeep, tapos bus para makarating sa EK. Malayo layo din ah. Pero sana makarating ako at si Nikko ng safe..

*after 1 hour and 30mins... 

3:30pm

Sa wakas andito na ko sa gate ng EK.. sakto lang dating ko. 3:30pm kasi dapat andito na ko.. Pero, asan na sila? Bakit ako lang ata ang andito?

*lingon 

( '_')

*lingon 

('_' )

*lingon 

( '_')

*lingon 

('_' )

Hala!!! Asan na sila?! ay hindi! Asan na si Nikko?!!!

Naglakad lakad ako sa paligid ng gate baka sakaling makita ko sya... 

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon