CHAPTER 11 - You and I

85 4 2
                                    

> Roan's POV <

Hayy, ang sakit ng ulo ko..

buti nalang weekend ngayon, at walang pasok.. pwede pang bumawi ng tulog.

"Hoy gising na!"

"Mamaya na matutulog pa ko eh, masakit ang ulo ko." nagtalukbong lang ako ng unan ko, kung sino man sya mamaya na please.

"Gumising ka na teh!"

Ayan na naman sya.. Si Nikki ba yun? Inalis ko ang unan na nakatalukbong sa ulo ko.

"mamaya na please." sabi ko sakanya habang pupungas pungas pa ko.

"the breakfast is ready.." tama namang pasok sa pintuan ng kwarto ko si Jessie

"Nagluto ka?! ha!ha!ha! wow ah! himala" pang-aasar ko kay Jessie

She looked at me seriously.

"Walang himala, hindi ako totally nagluto, apprentice lang ako," she answered

"huh?"

"bumangon ka na kasi, magugulat ka kung sino ang nagluto ng almusal" sabi sakin ni Nikki habang inagaw nya sakin yung unan ko.

"Ha? e sinong nagluto?" tinanong ko sakanila

Hindi na sila sumagot, natawanan lang sila tapos umalis na sa kwarto ko.

Eeh? ano yun?

hays. bumangon nalang ako, maliligo na rin.. pumasok na ko sa banyo, baka kasi si Nikko pala yung nagluto e. kelangan mukhang fresh haha!!! ang assuming ko noh?! sabi nya nga kahapon wag daw ako mag-assume..

Speaking of kahapon, ano na kayang nangyari sakanya nung pagkaalis ko..

waaahh!!! naaalala ko yung time na niyakap nya ko kagabi!!! eeeehh. enebe!!!

"Waaahh!!! grabe talaga!!!" di ko napigilang sumigaw eh kasi naman eh kinikilig kaya ako.

Buhos ako ng buhos ng tubig sa katawan ko!! waaah.. ang saya saya!

mukha akong timang noh??!! hahaha! sisihin nyo si Ms.Writer ginagawa nya kong timang!!! hahaha!!!

Bam!! bam!!

may kumakalabog sa pinto ng banyo.

napatigil akong magbuhos bg tubig "sino yan?!!"

"Tumitili ka ba talaga kapag naliligo??" parang boses ni Jessie yun ah.

"Ahh.. eh. oo ang lamig kasi ng tubig, bibilisan ko na. patapos na ko" sinabi ko nalang, binilisan ko na maligo kesa maghintay sila sakin ng matagal..

Nakitulog nga pala sila dito sa bahay, since ako lang naman mag-isa dito, ay hindi pala kasama ko rin si bunso dito.. ang Ate ko kasi nagtatrabaho na sa states, and si Kuya naman nakadorm malapit sa school nya... so para na rin hindi mapabayaan tong bahay, ako at si Rey ang tumitira dito.. tutal naman highschool pa lang naman kami, ang parents ko ... nasa heaven na both. Ang hirap nga sa una eh pero nasanay na rin kami, may gumagabay din naman samin kahit papano...

Ang mga beloved kong kapitbahay.. haha!!!

Okay, nalihis na yung story..

Nakitulog pala muna dito sila Jessie at Nikki. Since, gabing gabi na kasi nun at saamin ang unang madaanan na bahay pauwi. kaya dito na muna sila, at para makabonding na rin. Madali lang naman sila magpaalam sa parents nila eh, they trusted me a lot. hahaha!!! ay hindi pala, si Jessie kasi pahirapan magpaalam sa magulang yun, kelangan marinig nya talaga kung sino ang kasama ni Jessie ngayon.. pero kapag nakausap na nya. lalo na ang boses ko.. ehem!!! Okay na hahaha! sabi sainyo eh they trusted me a lot.

3-in-1 SIStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon