A/N: Please lang, wag kayo mawiwindang dito sa chapter na to.
Kikiligin kayo tapos mabubwiset din kayo. Hahaha! Basta baka mawindang kayo.
Patnubay ng magulang ay kailangan.
Hahaha!!!
Enjoy Reading.
Love ~ GummyBear127
==================================================================
CHAPTER 40 - Photoshoot & Riot!
< Jessie's POV >
Haaay. Ang sarap ng tulog ko. Ang lamig kasi.. Umulan kagabi.
Maaga na kong gumising ngayon.. Sabi kasi ni Direk Choi pumasok kami ng 7am sa MPH. 10am pa naman yung klase ko.
Ano kayang iaayos ko sa itsura ko ngayon? May photoshoot kasi kami ngayon ni July para sa play. Para kasi yun sa mga posters at tarpaulin ng stage play namin.
Hmmm. Itinaas ko ang buhok ko. Tapos tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin.
"Akala ko ba maaga ang pasok mo? Bakit hindi ka pa umaalis? Kung anu-ano pa yang ginagawa mo sa harap ng salamin. Baka mabasag yan."
"Paalis na po ako." sagot ko kay Mama. Binuksan na nya pala ang pinto ng kwarto ko. Pwede naman nya kong paalisin na lang eh. Ang dami pang sinabi.. Nakakasakit din sya ah.. =____=
Joke lang.. Alam ko naman na gandang ganda sakin si Mama. Hahaha!
*Sigh.
Aalis na nga ako. Kinuha ko na yung bag ko na nasa kama ko. At tumakbo na ko palabas ng kwarto ko.
*Booogssshh!
Ay! Ano yun? May parang bumagsak!
Napalingon ako sa paligid ko. Asan ba yung bumagsak?
Shockz!
Nakita ko na yung bumagsak.
(___ ___)
Lumapit ako dun sa bumagsak na bagay at dinampot to.
Sa dinami dami ng pwedeng bumagsak...
Yung picture pa naming tatlo nila Nikki at Roan.
Nabasag din yung pumoprotekta na salamin sa picture.
Bakit ko natabig to? Dati rati naman hindi ko to natatamaan.
"Aw!" natusok ako ng basag na salamin, dinampot ko na kasi to kesa kumalat pa sa sahig.
Tinabi ko na rin yun sa gilid ng study table ko. Aayusin ko yun mamaya. Tapos kumuha na rin ako ng walis para walang bubog.
*7:30 am at MPH
=____= na-late tuloy ako...
"Good Morning po Direk. Sorry I'm late." nahihiya tuloy ako pagpasok ko sa MPH. Nandito na lahat ng staffs. Yung mga P.A., Make-up artists, Photographers. At yung ilan sa mga lead cast na artist na talaga sa theater. Andito na rin si July inaayusan na.
=____= ako nalang talaga ang kulang. Nakakahiya talaga. Nakatingin silang lahat sakin ngayon.. Iniisip siguro nila na pa-VIP ako, kasi late ako diba. Ayoko pa naman ng ganun.. =____=
"Why are you late?" tanong ni Direk agad sakin.
"Uhh. May nangyari po kasi Direk. Nasugatan po ako. Sorry." sabi ko tapos yumuko nalang ako.
"Come here. Ipapakilala na kita. Bilis." sabi nya. Medyo masungit tuloy sya. Lumapit ako kaagad sakanya tapos inakbayan nya ko.
"Hi Direk." sabi nung unang babaeng nilapitan namin.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
Lãng mạnThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...