A/N:
Hello ulit readers!
Eto na yung sinasabi ko.. Side story nila July at Andrew.
Oh! Wag kayong mag-isip mg tambalan nilang dalawa ha!! Magpinsan sila. Okay?
Wag kayong ano.. Hahahaha!
Short lang to. Pasingit lang.
==========================================
< July's POV >
Lumapit na ko sa employees entrance ng BBR. Kinuha ko na rin yung susi sa wallet ko.
"Wag mo ng hanapin yung susi mo. Pumasok ka na."
Huh? Sino yung nagsalita na yun???
Iniangat ko agad ang ulo ko para makita ko kung sino yun???
"Andrew? Bakit andito ka?"
"Wala lang, ayoko munang umuwi eh.. Ikaw, bakit nandito ka din? Kamusta ang party?" tanong nya sakin.
"Ayoko ding umuwi eh. Pareho pala tayo" Ngumiti lang ako sakanya at pumasok na muna sa loob ng resto. Medyo malamig na din kasi.. Gabing gabi na eh.
Andito na kami sa dining area ng BBR.
Umupo lang si Andrew at ako?
Kukuha ng maiinom.
Nilapag ko na yun sa lamesang tapat ni Andrew.
"Oh! Ano yan?" nagtataka si Andrew. Haha! Hindi ba nya to alam?
"Ano pa. Edi beer. Sus! Di mo alam to?" sagot ko.
"May problema ka noh?" tanong nya sakin.
Umupo na ko sa tapat nya at nagbukas na ng bote. Oy baka kung ano na yang iniisip nyo readers ah. Lite lang to. Bahala na kayo kung anong brand to, 5% lang naman.
"Ikaw ang may problema pinsan, bakit ayaw mo sumama sa birthday celeb. ni John?" dinerecho ko na sya. Akala nya siguro di ko napapansin, pareho lang kaming may problema kaya tag dalawa kaming bote dito.
"Eh. Masakit ulo ko eh" dahilan nya.
Tss. Masakit ulo nya? Weh?
"Masakit ulo mo, pero andito ka sa Resto. Bakit hindi ka umuwi sainyo para dun ka magpahinga?" tanong ko sakanya.
Hindi sya sumagot. Yumuko nalang sya at kumuha na ng isang bote ng lite beer.
"Eh ikaw? Dapat umuwi ka na din ah" sagot nya sakin.
"Eh bakit mo sakin binabalik yung tanong. Pareho lang naman tayong may problema!" tapos uminom na ko sa bote ko.
*gulp.gulp.
"Sabihin mo sakin, bakit ayaw mong sumama sa party kanina? Inaya ka naman ni John diba?" binalik ko na uli yung tanong ko sakanya. Subukan nyang ibalik sakin yan.. Sige sya.
"Dapat lang na hindi ako pumunta Pinsan." sabay lapag nya ng bote nya sa lamesa.
"Bakit. May iniiwasan ka ba dun? May nakaaway ka ba sakanila?" tanong ko ulit.
"Wala akong inaway dun. Pero, may iniiwasan ako."
Napatingin ako sakanya. Nacurious ako. Sino yung iniiwasan nya? At bakit?
"Hindi mo pa siguro alam ang tungkol samin ni Nikki." sabi nya ulit.
Si Nikki? Anong meron sakanila???
"Sigh. Wag ka maingay sa iba ah. Si Nikki at ako, mahal namin ang isa't isa. Pero hindi namin dapat gawin yun." nalungkot sya at yumuko na naman.
Mahal nila ang isa't isa? Si-sigurado ba sya? Yung Nikki na yun? May something sila ng pinsan ko?!
Hay! Makainom nga! Kinuha ko ulit ang bote ko at lumagok ng marami!!! Maraming marami.
"Hay.. Pwede ba. Wag ka munang magreact ng ganyan. Hindi pa ko tapos oh!" inagaw nya ang boteng nilalagok ko.
"Eh kasi naman. Di ako makapaniwala sa sinabi mo. Di ko alam na may something pala sainyo.. Ang alam ko kasi patay na patay si Darwin dun." sabi ko.
"Si Darwin? Tsk. Kaya pala. Obvious naman eh" tapoa ngumisi sya. Hay!!! Ano ba to?! Ayaw buuin yung kwento!
Edi.. Kung ganun. Nagmamahalan sila Nikki at Andrew tapos dakilang epal si Darwin?!!!
Haaay!!! Ang sakit sa ulo!
Ay teka. Di dapat akong magconclude agad. Hindi ko pa naman alam ang buong kwento. Hay! Kaasar naman kasi to eh. Di pa ikwento ng maayos.
"Pwede ba. Ayusin mo yang kwento mo. Naguguluhan na ko ah. Ayusin mo na kasi. Ikwento mo ng buo!!! Kung anu-ano na ang naiisip ko eh." medyo naiirita na ko eh, pasuspense pa kasi eh.
"Okay. Okay ikukwento ko naman talaga eh. Makinig ka. Kami ni Nikki.. M.U. na kami. Inamin ko rin kasi na gusto ko sya at ganun din pala sya sakin.. Pero kasi mali eh. Mali tong ginawa ko sakanya.. Di kami pwedeng maging kami.. Hindi kami dapat magkatuluyan." sabi nya sabay lagok ulit ng beer.
"Bakit? Bakit naman?"
"Mapupunta sa peligro ang buhay nya kung magiging kami. May ipapakasal sakin dahil sa utang ng mga magulang ko. Nalugi ang negosyo namin diba? Naloko si Daddy ng mga business partners nya.. Kaya eto may tumulong sakanya at nagustuhan ako ng anak ng tumulong sakanya. Remember Jana? Yung babaeng nakikita mo dati sa bahay kapag pumupunta ka samin?"
Si Jana? Ah. Oo! Yun yung ubod ng sungit na bata. Galit ata sa mundo. Muntik na nya kong ikarate moves nun eh.. Pero sa harap ni Andrew mas maamo pa sya sa pusa.
"Yung karate girl na yun?!! Si Jana Sy?" tanong ko.
"Oo, sya nga. Akala mo siguro anak lang yun ng kaibigan nila mommy. Pero hindi. Tumulong ang pamilya nila samin isa silang pamilya ng Mafia at Kailangan kong tumupad sa usapan. Kung hindi. Mamatay ang pamilya ko. At kung magiging kami ni Nikki. Pwede rin syang mamatay.. At hindi ko kaya yun. May mga nagbabantay pala sa mga kilos at galaw ko. Kaya binantaan nila ako tungkol kay Nikki. No choice, kundi pakawalan ko sya. Kahit masakit pero kailangan ko kasi para na rin maligtas sya." sabay lagok nya ng marami sa beer nya.
Bakas sa mukha nyang malungkot sya.. Halos maluha na nga sya eh. Naawa tuloy ako.
Bakit hindi ko alam yun??? Magkapatid ang mga nanay naming dalawa pero bakit.. Hindi namin nabalitaan yun?!!!
"Bakit hindi nyo manlang sinabi samin to? Edi sana nagtulungan tayo para malagpasan nyo yan. Ni hindi manlang kayo lumaban?!" naghihysterical na ko. Nakakatawa kasi ngayon lang ako nagreact ng ganito.
"Wala na. Huli na ang lahat. Duwag ang mga magulang kong lumaban.. Kaya pati ako duwag!!! Duwag!!! *gulp.gulp.gulp." mukhang dinamdam nya ang sinasabi nya sakin.
"Wala manlang akong ginagawa kundi sumunod ng sumunod. Naiinis ako sa sarili ko!!! Bakit kasi ang duwag ko!!! *gulp.gulp.gulp.gulp." ayun inom na naman sya.
"Hindi ko magawang ipaglaban si Nikki!!! Hay!!! Nakakainis!!! Ano ba namang buhay to!!!" at ayun nagsisigaw na sya dito. Dala na rin to siguro ng kalasingan nya. Kahit dalawang bote lang to, malakas na ag impact sakanya. At syempre sa problema nya.
Naaawa ako. Naaawa ako para sakanya. Hindi nya dapat maranasan to. Mabait ang taong to eh. Hindi sya dapat masaktan ng ganito.
Yumuko na sa mesa at inilapag nya ang ulo nya. Mukhang nalasing na sya ng todo.
"*hik Hindi ako karapat *hik dapat kay *hik Nikki. *hik duwag ako. *hik" sabi nya yan. At tuluyan ng pumikit. Tsaka lumabas ang mga luha nya.
*Sigh.
Kawawa naman sya. Wala pala to sa kalingkingan ng problema ko eh. Nahiya naman ako, dinadamdam ko pa yung akin. Hays..
=============================================
A/N: Kawawa naman si Andrew. :(
Vote.Like.Share.Comment.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomansaThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...