A/N: Hello readers! ayan eto na ulit yung karaoke pary 1 mahaba kasi kung dudugtungin ko pa ung 2nd part.. kaya eto na muna.
pls. support.
read.comment.like.share.vote.
Ah basta lahat na!!!
thank you talaga sa mga mababait na nagbabasa ng 3-in-1 ..
syempre sa mga friends ko rin na supported talaga.. alam nyo na huh.
love ko kayong lahat.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 31 - KARAOKE part 1
< John's POV >
At last, andito na kami sa Condotel nila Darwin... Nagtungo na kami sa 'Karaoke life'
"Wow! Ang ganda naman dito!!!" sabi kagad ni Nikki, manghang mangha sya sa paligid..
Paano naman kasi, napakaspacious ng bawat isang unit dito. Each unit may sariling CR. Maganda at elegant ang long sofa's nila, Flat Screen LED TV pa ang gamit nila, may pailaw pa silang nalalaman sa unit.. Talagang maganda..
Kaya naman maganda din ang presyo panigurado. =____=
Ay hindi pala! Libre to ni Darwin diba? Hahaha! Ayos naman pala eh!
Umupo muna ako sa sofa, medyo katabi ko si Jessie ngayon na tumitingin sa song book.
"Kakanta ka na ba?" tanong ko sakanya.
"Sira! Titingin lang eh, kakanta na kaagad? Tsaka hindi ako kumakanta noh!" pagsusungit nya sakin.
Hindi nalang ako nagsalita. At kumuha nalang ako ng isa pang songbook.
"Sya nga pala John." napatingin ako kay Jessie nung nasabi nya yan.
Ngumiti sya sakin .. At sinabing..
.
.
.
.
.
"Happy Birthday."
Waaaah! Heaven on Earth! Ano tong naramdaman ko bigla! Binati lang naman nya ko ah!
*Gulp.
Napalunok nalang tuloy ako. Hindi na rin kasi ako nakapagsalita sa sinabi nya eh. Nabobo ako. Haha! Basta ang alam ko..
Masaya ako..
"Uhh. John? Okay ka lang? Parang pinagpapawisan ka ata? Aircon naman dito ah!" sabi nya sakin.
O___O
Huh?! Ako? Pinagpapawisan?
"Huh?! Hi--hindi ah!" sabi ko sabay hawi ng noo ko. Ramdam ko ng may butil butil ako ng pawis. Shayzz! Nakakahiya ako men!
"Ahaha! Nakakatawa ka. Bakit ka ba pinagpapawisan? Eh ang lamig nga dito eh" napangiti si Jessie tapos sumandal lang sya sa sofa at ayun tumingin nalang sya ulit sa songbook na hawak nya.
Hay.. Nahiya tuloy ako. Bawas pogi points tuloy ako. >____< Argh!
"Oh! Andito na pala kayo!" narinig ko kay Darwin. kaya naman napalingon ako sa sliding door. At ayun na nga andito na rin sila Nikko, Roan at July.
"Hello! Kanina pa ba kayo?" tanong samin ni July
"Hindi naman halos kakarating lang. Umupo na kayo." sagot ko sakanila.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...