CHAPTER 28 – Forget Him
< Nikki’s POV >
“Bumalik ka na sa room, susundan ko lang sya” sabi sakin ni Darwin after ko magdrama sa harap nya..
Bakit nya susundan si Andrew?
“Bakit?” tanong ko sakanya. Hinawakan ko na rin ang wrist nya para pigilin muna sya.
“Kailangan nyang pagbayaran ang ginawa nya sayo.” Bakas sa mukha nyang galit sya kay Andrew.
Hindi naman sya yung nasaktan ah.. bakit nagagalit sya?
“Wag na Darwin.” Napalingon sya sakin, nung sinabi ko yan, hinila ko na rin kasi sya.
“Hindi mo na sya kailangang gantihan, okay na ko. Tanggap ko na. ^___^” nagpilit nalang akong ngumiti.
“Ni—Nikki?” sabi nya.
Ngumiti ang ako lalo at inaya nasyang bumalik na kami sa room.
Nakabalik na kami dito sa room ni Darwin, break time na pala kaya pala naglalabasan na yung mga classmates namin sa room.. Napapatingin nga sila sakin eh. Kasi naman namamaga ang mga mata ko.
“San ka ba nagpunta Nikki?” biglang sumulpot sa harap ko si Jessie.
“May tinanong lang Jessie ^__^” nagpilit nalang akong ngumiti.
“May tinanong lang kay Andrew” bigla namang sumagot si Darwin.
“What?! Andrew pa rin??? Kelan ka ba titigil jan? diba nga di nga daw pwede na maging kayo? Wag mo ng ipilit sis mas masasaktan ka lang!” ayun at naghihisterical na si Manang Jessie
“I know! Oo na nga eh.. eto nga oh titigil na ko.” Sinagot ko sakanya.
Napatingin silang dalawa sakin at napatigil. Siguro mga nabigla sila. Pero nakapagdecide na ko kaagad. Titigil na ko and from now on I’ll start to Forget Him. Siguro dapat ko na ngang gawin yun, napahiya na rin na ako eh, nawala na nga yung pride ko as a girl. Sa tingin ko I should stop liking Andrew na tama na ang pag-aasume.. and Accept the fact na hindi nga nya ko gusto..
T___T hay! Ang sakit! Eto na naman ako teary-eyed na naman.
Napasmile si Jessie sakin at niyakap ako.
“That’s right, alam kong mahihirapan kang gawin yan pero andito kami tutulong sayo. Ako, at si Darwin. Andito kami oh.” Tapos hinimas nya ko sa likod.
“Thank you Sis.” At ayun na nga napaluha ako. Natouch din kasi ako eh. She really proves that she’s a true friend na laging nandyan para sakin, kahit na kadalasan binubully ako nito at nagsisigawan kami o kaya minsan nagkakasakitan na kakabatok, sweet and caring din naman pala sya. Thankful ako na may friend akong kagaya ni Jessie.
Napatingin naman ako kay Darwin na nakaharap lang samin ni Jessie habang magkayakap. Isa pa sya, thankful din ako at nandyan din sya na laging sumusuod sakin, andyan sya kapag umiiyak ako handa daw syang making, o sige na nga kapag paiyak na ko tatawagin ko na nga sya.. gusto nya yan eh. Hehe. Kahit na nakakainis at napakayabang nito, good guy din naman sya..
Ngumiti ako kay Darwin, as a sign of thanks.
Haha! Ayun napayuko sya at napakamot ng ulo. Bakit kaya? Nahiya ba sya? Hehe.
< Darwin’s POV >
Oh? Bakit sya ngumiti sakin? Nakakaloko naman, kasi kalalake kong tao pero..
Kinikilig ako.
Weeeeh! Ang sagwa diba?
Hayst! Yung mukha ko umiinit baka namumula to kay mas mabuti pang yumuko nalang ako.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...