Writer's Note: Hello readers! nag-update nga pala ako kanina.. nagpublish ako ng chapter 7 - 15.
Tapos nakita ko. Nung una 22 tapos nung pangalawa, 8 palang ang readers? Anyare? Nababawasan ba yun? O sadyang hindi ko kasi maintindihan pa yung sytema ng profile ko. hahaha!!!
Hayaan na natin, basta ang importante matapos ko to.
Thank you nga pala sa dalawang sobrang bait na talagang nagvote. haha! pioneer! Thank you! Alam nyo kung sino kayo. Pagpalain pa sana kayo ni Boss Lord God. Ahek!
Dito naman sa chapter na to...
Malalaman nyo kung sino ba talaga si Listener? Lagi nalang sya nakikinig..
nakikinig..
nakikinig..
Oo nga! kaya nga listener eh!
hahaha!!!
Palagay nyo sino kaya yun? Ayan! malalaman natin yan as we read this chapter!
Enjoy reading! Godbless!
----------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 16 - The Listener
> Jessie's POV <
Umuwi na ko saamin, tutal naman tumawag na si Darwin kay July na nakita na nya si Nikki. Thank God. At nahanap din sya, loko kasi talaga yung babae na yun eh ang lakas ng trip! buti nalang at andyan si Mighty Darwin!!!! eeeh! kaya nga minabuti na naming hindi nalang sumunod sakanila, kasi baka makasira ako ng moment nila. For sure yan, nagmoment yang si Darwin! Medyo nakakahalata na ko dun sa mokong na yun eh.
"Anak, magsaing ka naman muna" andyan na pala si Mommy. Kelangan kong magpakabait para sa susunod na mag-oovernight ako kela Roan, papayag na sya kaagad! haha!
"Opo." dali-dali na kong tumayo sa kama ko, nakahiga kasi ang lola nyo eh, nagbabasa ng wattpad. Kahit na busy na busy ako kababasa ng 3-in-1 sistory. Naku! maganda pa naman yun.
Tumayo na ko kaagad, baka magalit eh
Nagpunta na ko sa kusina,para kunin ang saingan. Hinugusan ko to with all my heart. At nagtakal ng bigas sa kaban.
"Himala, sumunod ka yata agad?" biglang nagsalit si Mommy sa kusina.
Tinignan ko sya na nagluluto ng ulam. "Eh lagi naman akong sumusunod sainyo eh. Di na kayo nasanay.. ayaw nyo ba? hahaha!" sagot ko sakanya sabay takbo pabalik sa kwarto.
"Sutil ka talaga?!" sigaw nya sakin, naririnig ko pa rin kahit nasa kwarto na ko, pero hindi galit yun. Bihira naman magalit si Mommy eh.
Humiga ulit ako sa kama ko, hay.. ang sarap talagang humiga..
*beep
Uy! may nagtxt. Sino kaya? Kinuha ko kaagad ang cellphone ko.
1 message received from SIS.Nikki:
Sis, nandito ako sa may gate nyo, pagbuksan mo naman ako.
What?!! Pupunta pala sya dito, hindi manlang nagsasabi !!!
Lumabas na ko kaagad ng kwarto, dumaan ako sa kusina kung saan nagluluto pa rin si Mommy.
"Ma, andyan si Nikki, susunduin ko lang" tapos kumaripas na ko ng takbo papunta sa gate.
Binuksan ko na yung gate agad agad para makita ko sya
"Anong ginagawa mo dito? hindi ka manlang nagpasabi agad?!!!"
"Ah. he.he.he" nahihiyang sabi ni Nikki.
Kinutusan ko sya sa inis ko, baka akala nya okay lang saming lahat na umalis nalang syang bigla, hindi ah! sakto pumunta ka dito.. yari ka sakin!!!
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...