A/N: Hmm. Mahaba haba tong chapter na to. May mag-iinarte dito eh.
Haha!
Enjoy Reading guys!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 35 - The Desicion
< Roan's POV >
Kkrrriiiiiiiiiinnng!!!!
"Kyaaaaaaaahhhh!!!!!"
Haup! Bakit nasa tenga ko tong Alarm Clock ko! Nasa side table ko lang dapat to eh! Nakakabingi tuloy! Imposibleng nailagay ko to dito. Sino naman ang gumawa nito?
"Rey!!!!!!!!!!" napasigaw ako sa inis ko! Bwiset talaga sya!!! Trip na naman nya ko eh! Haist! Lagi nalang!!!
"Haup ka!!!! Haup ka Rey!!!" sabi ko pa ulit. Agad na kong bumangon sa kama ko para hanapin kung saan sya.
"Ate. Buti gising ka na! Hahaha! I love you too!!!" narinig ko sakanya mula sa pintuan ko. Kaya bigla ko na lang binuksan ang pinto na kwarto ko.
Ayun at nakita ko na rin ang magaling kong kapatid. Hinabol ko sya kaagad kaya lang mabilis sya at lumabas na ng bahay...
Ako naman. Sige lang sa paghabol kaya palabas na rin ako ng bahay.. Wala akong pake kung anong itsura ko ngayon basta gusto kong banatan ang kapatid ko! Trip nya ko eh..
"Ahahaha! Bye ate! Pasok na ko!!!" tuluyan na syang nakalabas ng bahay.. Hay! Bwiset. Di ko na sya mahahabol..
"Mamaya ka saking haup ka!!!" sigaw ko pa ulit.
Kaasar kasi eh! Peste! Ang aga nya kong bwisiten! Ano bang meron kasi?!
"Woah. Ganyan ka pala kapag bagong gising?"
Huh?! Sino yun?
"Waaaah!!! Ni-ni-" bakit sya andito?!! Bakit? Wala naman akong sinabi ah!!!
Nakita ko sa Nikko. Nakasandal sya sa kotse nya dito sa gilid ng gate namin... >___<
OMG! Anong itsura ko ngayon!
Napahawak ako sa buhok ko. Kinapa ko rin ang mukha ko. Baka may laway pa ko! Hala! Anong soot ko ngayon?!! Argh!!! Ngayon may pakielam na ko sa itsura ko.
Nakakahiya naman kasi oh >___<
Anong gagawin ko?!!
Ting!
Tama!
Tatalikod nalang ako.
Agad akong tumalikod sakanya.. Di bale ng nakatalikod. At least di nya makikita kung anong itsura ko ngayon.. Okay na to!
"Hahaha! Wag ka ng tumalikod.. Maganda ka pa rin sa paningin ko. Girlfriend pa rin kita." sabi nya sakin..
Wow naman! ^___^ ang aga aga pinapakilig ako nito oh! Yiieeehh. Ang aga aga ko ding lumandi. Nakakainis talaga.. ^____^
Teka lang. Anong ginagawa nya dito??? Bakit sya nandito?
"Ba-bakit ka nandito?" tanong ko sakanya pero nakatalikod pa rin ako.
"Syempre. Para sunduin ka. Nililigawan nga kita diba? Nakalimutan mo na ba? Nagtext ako sayo kanina pa na susunduin kita." sagot nya kaagad sakin.
Huh?! May text sya? Naku patay. Hindi ko pa pala nahahawakan ang cellphone ko ngayon.
"Hi-hindi ko nabasa eh. Sorry." sabi ko tuloy.
"Ganun ba? Okay lang. At tsaka wag ka ng tumalikod sakin. Alam ko na yang itsura mo.. Kanina pa kita nakitang nagsisisigaw sa kapatid mo. Haha! Wag ka ng tumalikod." natatawa tuloy sya sakin.
BINABASA MO ANG
3-in-1 SIStory
RomanceThis is a story of three young women who's been friends for more than a year, until they encounter some romance that surely break their hearts and friendship. Are they willing to sacrifice there friendship against love or are they gonna leave their...