CHAPTER V: 1.2

87 1 0
                                    

ARRON POV

            Nagimbal kami sa nakita namin na nilalang mula sa labas ng sasakyan.

            Sampung dipa mula sa kinapupwestuhan ng aming sasakyan, ang isang bahagyang nakatalikod na nilalang ni sa panaginip ay hindi mo gugustuhing makita at hindi mo aakalaing totoo pala, lalo na sa katirikan ng araw pa.

           " Shit! nanaginip ba'ko.?! t-totoo ba ung nakikita ko.." tulala na sambit ni Makoy na di inaalis ang tingin ng mata sa labas ng sasakyan.

             Ramdam kung lahat kami ay nakakadama ng takot ngayon. Pero hindi kami makapagsalita sa kadahilanang hindi namin maalis ang tingin namin sa nilalang na nakaharang sa daan at sarap na sarap sa nilalantakan nitong katawan ng tao na biktima nya.

              " Oh my Ghaadd!!!! u-umalis na tayo habang di pa nya tayo n-napapansin.." aya ni Wendy sa amin na nagsisimula nang maghesterikal.

           " Ano bahh??!!!!!! bat ayaw nyo kumilos!!! umalis na tayo!!! wag kayong tumunganga dyan.." nagpapanic na sa takot na bulyaw nya sa amin.

              " Wendy kumalma ka nga!! walang mangyayari satin!!." sigaw na rin ni Suzy na halata ring pinaglalabanan lang ang takot.

               " How come na kakalma ako!!! may h-halimaw sa labas.. at malamang sa hindi isusunod nya tayo pagkatapos!!! Sige nga panu ko kakalma?!!!pano?!!huhuhuhu.." naiiyak na turan nito.

               Tinablan ako sa sinabi nya, tama nga naman dahil maaaring kami ang isunod ng nilalang na nasa labas. Pero hindi rin naman tamang magpanic kami agad dahil mas lalong di kami makakapag-isip ng maayos.

                " Ang magandang gawin natin wag kayong magalaw para di umuga ang van at makagawa ng ingay na ikapapansin nya, ilock nyo ang mga bintana at mga pinto.. dahil ito lang Van ang safe na lugar natin ngayon." utos ko sa kanila na sinunod naman nila agad.

                  Tahimik kaming nakamasid sa nilalang na yun sa labas. At halos maduwal kami sa nakikita naming pagkain nito sa laman-loob ng tao. Lalo na sa tuwing wawakwakin nito ang katawan ng walang buhay nitong biktima at kukunin ang mga laman-loob nito.

               " A-ayoko nang tignan natatakot naku.." siksik ni betty ng mukha sa aking dibdib sa takot,niyakap ko naman sya para ipadama ko na walang mangyayari masama samin.

             Maging ang ibang kasama ko ay akap-akap narin ang kanilang mga nobya,para isecure maliban kina Angelo at Angie na tahimik lang at nakatingin lang sa labas.

            Nang biglang magreact si Pedring.

            " G-guyz t-tapos na ata s-sya.. At m-mukhang n-napansin nya na tayo."

              Agad kaming napalingon lahat sa gawi kung san ang nilalang sa labas at lahat kami ay hindi na naitago ang takot dahil unti-unti lumalapit sa amin ang nakakatakot na nilalang na iyon na mukhang baboy-ramo.

                 Nanlilisik ang mga mata nito titig na titig sa tinted na salamin ng van na para bang alam nyang nandito kami sa loob.

                Laking gulat pa namin ng talunin nito ang harap nang sasakyan at pinagsasapak ang salamin nito na ikinasigaw na nang mga babaeng kasama namin.

               "Aaaahhaaa!!!!!!!!!!!!!! Aaahhhaa!!!!."tili nang mga ito na may kasama ng iyak.

             Lalo na nang ugain ng nilalang na ito ang Van.

             "Pare!!! ano gagawin natin?!!!."tanong ni Mikoy sa'kin.

            Kahit ako walang maisagot. Lalo pa at nagkakalamat na ang salamin na kanina pa binabayo ng suntok ng halimaw. Agad kung pinaandar ang makina ng sasakyan at pinatakbo ko ito ng pagewang-gewang para mahulog ang nilalang na iyon na nakakapit sa harap ng sasakyan namin.

            Na nahulog nga,pero ang akala namin na nahulog namin ay nakakapit pala at pumailalim papunta sa likod ng van at ito naman ang pinagsusuntok nya.

                 Hindi na magkamayaw sa tili at sigaw ang lahat maging sina makoy,mikoy,tisoy at pedring ay nagpapanic na rin at napapasabay na rin sa pagsigaw.

             Lalo pa't nabasag nito ang likurang salamin ng Van kung san nakapwesto sina Tisoy at Angie.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon