Epilogue

89 0 0
                                    

2 days later..

             " Guyz ano ba?! Ang tagal nyo naman mag-impake ng gamit nyo..ilang araw lang naman tayong mamumundok!" inip na inip na sigaw sa labas ni tisoy habang nakasandal sya sa likod ng van at naghihintay sa iba.

             Nakita naman agad ni tisoy na nagsibabaan na ang mga ito sukbit-sukbit ang kani-kanilang camping bag.

             "Ba't ba ang init na naman ng ulo mo Dre?! Sambakol na naman yang mukha mo" bungad agad ni mikoy kay tisoy habang papalapit sa kaibigan.

             " Ang tagal-tagal nyo kaya..nahatid ko na sa bayan sina pedring,wendy,nic-nic at yung mga taga baryo na sasabay sa pagluwas nila ng Maynila hanggang ngaun nag-aayos pa rin kayo!" iiling-iling na sagot nito.

              " Hehehe..sina Suzy at Betty kasi ang tagal." turo ni makoy sa dalawang babae.

               Binatukan naman sya nang dalawang tinuro nya.

              " Uhmmp..narinig namin yun loko!" batok ni betty kay makoy na sinundan din ni suzy ng isa pang batok.

               " Ano ba naman kayo? dina kayo mabiro" himas ni makoy sa parteng tinamaan ng dalawa.

               Na umani naman ng tawa mula sa tatlong lalake.

                " Hahahaha...Ayan buti nga sayo." magkapanabay na asar nina mikoy at ron kay makoy.

                " Handa na ba kayo mga anak?" tanong ni Mang Marlon sa kanilang lahat na nakasanayan ng tawagin silang anak.

                Sya kasi ang maghahatid sa mga ito sa magandang spot para mamundok.

               "Opo handa na po kami" magkakapanabay na sagot nila.

               Pagkahatid sa kanila ni Mang Marlon sa lugar,agad silang binalaan nito na wag magagawi sa kaliwang bahagi ng bundok dahil masyado na daw mapanganib.

              Na sinunod naman ng mga ito.

              Nang makarating ang mga ito sa tamang spot grabeh ang sayang naramdaman nila nang mamalas ang kagandahan ng lugar na sakop ng baryong iyon. Habang kitang-kita nila mula sa taas ang dagat na nakapalibot sa Isla.

                " Woow!! Ang gandaa!!!" sabay na react ng dalawang babae.

               Habang ang mga lalaki naman ay manghang-manghang nagsisikuhanan ng litrato.

                Hindi kalayuan naman sa kanila ay may dalawang nilalang na nakamasid lamang.

                " Nalulungkot ka bang hindi mo na sila kasama?"

                 " Medyo..pero alam kung hindi naku makakabalik sa kanila, kaya ito lang kaya kung gawin ang bantayan sila hanggang makababa sila nang bundok at wag magawi sa lugar na sinasabi mo."

                  " ANGIE!!! Sana nandito ka!!!" sigaw ng mga ito na umecho sa buong paligid.

                 " Nandito lang naman ako pinagmamasdan kayo." bulong ni angie sa hangin habang malungkot na nakamasid sa mga kaibigan.

----------------------------------

                  Nagabihan ang anim na makababa sa bundok kaya medyo naligaw sila kung saan nga ba ang daan pabalik. Nang may marinig silang sigaw at yabag ng mga paa di kalayuan sa lugar kung nansan sila.

                  "TULONG!!!"

                  Nagkatinginan naman ang mga ito at tinignan nila ang gawi kung saan ang nanggaling ang sigaw at dalawang nilalang ang humahangos sa pagtakbo ang papalapit sa kanila.

                 Nang makalapit ang mga ito sa kanila ay mababakas mo ang takot sa mga mukha ng mga ito, at habol-habol ang paghinga na para bang may kung anong nilalang ang humahabol sa kanila.

                " Mga ate! Kuya! T-tulungan n-nyo kami---" sambit ng dalawang teenager na sa sobrang takot at pagod ay nawalan na ng malay sa harap nila.

~ wakas~

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon