ANGELO POV
Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng pagkaasar nang makita kung mahigpit na niyakap ni pedring si Angela.
Mali man maramdaman ko ang mga bagay na yun ngaun, pero talagang naaasar ako. Buti na lang dumating na si Aling Analou ngunit ang inaakala kung paglayo ni pedring sa pagkakayakap ay hindi nito ginawa. Kaya ako na ang kusang nagpahiwalay sa kanila.
" Oh andyan na pala si Aling Analou, tama na yang dramahan.."pasimpleng akbay ko kay pedring at dahan-dahan syang hinila sa pagkakayakap nya kay Angie.
Nagtagumpay naman ako paghiwalayin sila, dahil binitawan na ni pedring si Angie.
" Ayos lang ba kayo dito mga hijo'thija?,"tanong ni Aling Analou sa amin.
" Ayos naman po.." rinig kung sagot ni Angie. "Aling Analou pwede ko po bang hiramin yung gasera nyo? May pupuntahan lang ako saglit, dyan lang po sa likod di kalayuan sa kubo."paalam ni Angie dito.
" Angie anong gagawin mo sa labas?baka mapanu ka nanaman.." tanong ni Ron sa kanya.
" May kukunin lang akong mahalagang bagay.Wag kayong mag-alala walang mangyayari masama sa'kin."
Dahil dun nagkarun ako nang idea magprisintang samahan sya.
" Kung gusto mo samahan na kita."prisinta ko sa kanya na sinang-ayunan naman nila.
" Kaya nga..pumayag ka nang samahan ni tisoy,angie." magkakapanabay na sabi nina nic-nic, betty, at suzy.
Napansin kung tatanggi pa sana sya pero hindi na nito tinuloy dahil mapilit ang tatlong babae.
" Okie..iwan na muna namin kayo ni tisoy kung ganun." rinig kung sagot nito na hindi ko pinahalatang natuwa ako.
" Ako na maghahawak ng gasera angie.." pigil ko sa kanya ng tangkang kukunin nito ang gasera na hawak ni Aling Analou.
" O-okie..tara na." aya na nito na tumalikod na sa'kin.
Susunod na sana ko nang bulungan ako ni Mikoy.
" Alam ko yung ginawa mo kanina..pasimple mong nilayo si pedring..nagselos ka." bulong nito saka agad din lumayo sa akin.
Magrereact pa sana ko sa binulong nito pero hinayaan ko na lang at sumunod na kay Angie.Lumingon pa ko sa gawi ni mikoy na mapang-asar na nakangiti sa akin.
ANGIE POV
Lumabas ako ng kubo kasama si tisoy na hawak-hawak ang gaserang sinindihan ni Aling Analou.
Hindi na sana ako magpapasama dito pero mapilit ang mga kasama ko,kaya wala na kung nagawa.
"Ano bang gagawin mo dito sa likod angie?" rinig kung tanong nito sa akin habang nakasunod.
" Mahalaga yung bagay na kukunin ko dito para magawa ko mabali ang sumpa."
"Ahh..kamusta naman anh braso mo?," muli tanong nito sa akin.
" Ayos naman na..hondi ko na lang iniinda yung kirot."
" Hhuhhmm.. buti naman kung ganun, nag-aalala kasi ko sayo."
Napahinto ko sa sinabi nya at tinignan ko sya kung seryoso ba ito o nagbibiro. Para kasi tong naihipan ng masamang hangin at naging mabait sa kanya, eh halos di maipinta ang mukha nito kanina nung nasa byahe kami at magkatabi.
" Anong nakain mo pala at nagimh mabait ka sa'kin?himala ah!..kanina sambakol yang mukha mo na parang ayaw mo ko makasama,"tanung ko sa kanya.
" Wala lang ako sa mood kanina..sorry kung nasungitan pala kita."
" Ayos lang..inasar di naman kita nun may mali din ako,"sabi ko naman.
Saka ko sinipat ang paligid na pinagdadaanan namin. At nakita ko din ang lugar na hinahanap ko.
" Nakita ko na tara!," sabi ko na inaya si tisoy sa lugar nang hinahanap ko. Huminto kami sa isang di kalakihang bato na muli ikinareact nya.
" ISANG BATO?!" takang tanong ni tisoy sa akin.

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Mistério / SuspenseISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...