CHAPTER XVI

77 0 0
                                    

ANGIE POV

Nangangalay naku sa pinagtataguan kung halamanan sa kaiintay ko. Sinisipat ko ang direksyon kung san pumunta sina Mang Marlon at Aling Analou,ngunit hndi ko na sila maaninag dahil sa sobrang dilim.

Lalo pa't ang kaninang maliwanag na buwan,na tumatanglaw sa kalangitan ay natatakpan ng mga ulap na lalong nagpadilim sa paligid.

Dahil di naku mapakali, ay nagmatapang nakung lumabas sa aking kinukublian, pakapa akong naglakad papunta sa lugar kung san ko nkita ang mag-asawa pumunta. At hbang gngawa ko yun knakausap ko ang aking sarili.

" Aling Analou.. Mang Marlon.. asan nb kau?,"tanung ko sa aking sarili habang dahan-dahan akong nglalakad pakapa sa paligid.

Tumigil lamang ako ng maramdaman kung may kung anong kakaiba sa likuran ko.

Natatakot man ako hindi ko mapigilan ang wag lumingon,kahit pa sunod-sunod na ang paglunok ko sa bilis ng kabog ng dibdib ko. Humugot ako ng malalim na buntong hininga,sakto naman na ang ulap na tumatabing kanina sa buwan ay wala na, kaya nang sumilay ang liwanag nito,kitang kita ko ang anino nang nilalang na nasa likod ko.

Agad akong napabaling ng tingin mbuti n lamang at maagap kung naisalag ang mga braso ko sa malakas na paghampas ng nilalang sa akin.

Sa lakas ng hampas nito sa akin at sa mga kuko nitong ngtutulisan na bhagyang kumayod sa balat ng braso ko,ay napatalsik ako pahiga sa lupa na eksakto namang may bhagyang nakausling bato at tumama ang ulo ko dun na ikinahilo ko, ngunit bago pa ko mawalan ng malay-tao nakita kung dumating na ang mag-asawa at pilit pinapakalma ang halimaw na umatake sa akin.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon