CHAPTER VII

77 1 0
                                    

Tisoy POV

Batid ko ang takot at kaba na nararamdaman ng lahat ngayon,maging ako ay naramdaman ko yun.

Ngunit mas nakaka-angat sa takot ko, ang kuryosidad kung malaman kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon ng nilalang na sumalakay sa amin nang makita nito ang babaeng katabi ko na si Angie.

Sino ba si Angie?bukod sa pinsan sya ni Suzy.. Ano ang dahilan kung ba't kilala sya nung halimaw?.

Yan ay isa lamang sa mga katanungan bumabagabag sa akin, na gusto ko rin itanong sa kanya, na pinaboran ng pagkakataon, dahil tinanung ito ng kanina lang ay naghehestirikal na si Wendy ang girlfriend ni Pedring.

" Ayos ka na ba?." rinig kung tanong ni Pedring kay Wendy na inayos pa ang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito.

" Okey naku..salamat Fred."sagot nito,saka bumaling ang tingin kay Angie.

" Angie.. wag kang magagalit ha, sino ka bang talaga? saka ba't ganun na lang ang reaksyon nung halimaw na sumalakay sa atin,parang kilala ka nya.."

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon