Chapter XVIII:

82 0 0
                                    

ANGIE POV

           Sa pagmulat ko ng aking mga mata, unang nabungaran ko ang mga mukha ng mga nag- aalala kung mga kaibigan.

          " Buti naman nagising ka na Couz.. Musta pakiramdam mo?" nag- aalalang lapit ng aking pinsan sa aking tabi.

          Tinignan ko lang sya pero di ako nagsalita. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala, malinaw na sa akin ang lahat.

          Lahat ng mga kakaibang nangyayari sa akin nang tumuntong ako sa Isla ay hindi pala isang pangitain lang o biro ng isang nagmumultong nilalang na naisipan akong gamitin.

          Kundi ang mga iyon ay talagang ala-ala ko pala sa nakaraan na sadyang nawala sa akin, at ang buong Isla at Baryo ang kusang ibinabalik ito sa aking balintataw.

          Mga ala-ala ng aking kamusmusan na kasma ko pa ang aking Inang si Esmeralda. Hindi man malinaw sa akin kung panu ko nawalan ng ala-ala bago ko matagpuan nang tumayong ina kung si Mama Isabel.

         Ang malamang patay na ang tunay kung Ina ang talagang dko matanggap. Ano ang ginawa nito para alipustahin sya?bkit? Ano ang ginawa nya mali?.

         Hindi ko alam na sa tagal ng aking pananahimik ay lumuluha na pala ako. Na nagpabalik sa akin sa realidad na may mga tao palang nakatingin sa akin at naghihintay akong magsalita.

          " Couz.. Bakit ka lumuluha? May masakit ba sayo?" rinig kung tanong ulitbni Suzy sa akin.

         Sa pagkakataon na yun pinunasan ko ang mga tumulong luha na umagos sa aking mukha. Dahil nakahiga ako ang parte malapit sa aking tenga at buhok ko lamang ang nabasa.

           Bumangon ako na hindi iniinda ang kirot ng nakabalot kung braso sa natamo kung sugat

          " Wala.. walang masakit sa'kin maliban sa makirot kung braso." tugon ko sa kanya.

           " Pero ba't nakita kung may tumulong luha sa mga mata mo?"

           " Aahh yun ba? Napuhing lang ako.. Akala ko nanaginip lang ako eh..yun pala kanina pa pala ko nakamulat ayon sumakit yung mata ko." pagsisinungaling ko kay Suzy pero bakas sa mukha nito ang di paniniwala sa mga sinabi ko.

           " Yung totoo couz... Alam na namin ang lahat tungkol kay Esmeralda, ikaw ba walang sasabihin sa amin sa nalalaman mo."

           Tinigna ko silang lahat isa-isa, pare-parehas silang tahimik lamang na naghihintay ng sasabihin ko. Bakas din sa kanilang mga mukha ang pag-aalala at pagkailang magtanong.

            " Alam nyo na kung panu namatay si..E-Esmeralda?" tanong ko sapagkat yun ang bagay na hindi ko alam, kung panu ito namatay.

            Tumango naman silang lahat. At ikiniwento muli nang mag-asawa sa akin ang pinagtapat ng mga ito sa mga kasama ko nung oras na wala akong malay kanina.

            " Kaya gusto naming humingi ng sinserong kapatawaran sa iyo, dahil kaw lang ang nakikita naming makakatanggal ng sumpa sa amin..kaw kasi ang tinutukoy nung nagsabi sa amin na babalik para tanggalin ang sumpa." dagdag na kwento ni Mang Marlon.

           " Marahil si Sagi ang nagsabi sa inyo nyan.. Sya lang naman ang pwedeng magsabi sa inyo ng lahat ng yan." sagot ko nang matapos silang mag-asawa magkwento.

          " Hindi namin kilala ang tinutukoy mong Sagi hija.."

           " Pinapatawad ko na po kayo.. Ano man ang nagawa nyong kasalanan nun dahil dala ng mali nyong akusasyon, nakita ko naman ang sinseridad nyo ng ibuwis nyo ang buhay nyo para sa kaligtasan namin magkakaibigan. Masakit man po ang nalaman ko, hindi ko naman na mababalik ang lahat, mas maganda ng itama ang lahat kayso may madamay pa at maraming buhay pa kayong mawasak." mahabang sabi ko sa kanila na bukal sa loob ko ang magpatawad.

            " Pero Angie hindi naman ikaw si Esmeralda kaya ba't ikaw ang nagpapatawad sa kanila.." biglang sabi ni Nic-nic na dinugtungan naman ni Tisoy.

           " Unless ikaw ang anak nya..tama ba ko Angie?" dugtong ni tisoy na natumbok nya ang sagotbsa tanong ni nic-nic.

            Napabuntong hininga muna ko bago magsalita ulit at ipagtapat ang lahat sa kanila.

           " Tama ang hula mo Angelo..kanina ko lang din nalaman ng nagising ako, na ako pala ang Anak ni Esmeralda." pag-amin ko sa kanila.

            Saglit lang nagulat ang mga kasama ko ngunit hindi ang mag-asawa at ng kasama nitong si aling jane na napag-alaman kung ang halimaw na sumalakay sa akin, ang itsura nang mga ito ay di makapaniwalang nasa harap nila ang anak ng kaibigan nila.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon