ARRON POV
Nakikinig lang ako sa mga ipinahayag ni Angelo na kanina ay di nya masabi nung nasa byahe palang kami papunta sa baryong to.
Marahil siguro'y dahil sa baka hindi kami maniwala sakanya kung sasabihin nya agad.
Kung sabagay kung ngayon pa nga lang na nagkwekwento sya nagrereact na kami panu pa kaya kung kanina pa nya kiniwento,di pinagtawanan pa namin sya.
Pero dahil sa naranasan namin mukhang di ko magawang tumawa o ipagsawalang bahala ngayon ang kwento ni Angelo.
At alam kung ganun din ang nararamdaman ng mga kasama ko ngaun.
Kahit gusto kung ibuwelta pabalik ang sasakyan,hindi ko na magagawa pa dahil maaaring makaharap ulit namin ang nakakatakot na nilalang na yun.
Isa pa ubos na ang lakas ko,para sa mahabang byahe ganun din malamang sila.
" So ang ibig sabihin nyan.. kung totoo yung kiniwento ni Mang kanor sayo,hindi na tayo makakabalik..Oh M Gee!!! ayoko mamatay dito guyz.." nagsisimula na naman makaramdam ng pag-aalala na turan ni Wendy.
Bago pa makaramdam ulit ang iba ng pangamba,sakto namang may namataan na akong mga bahay at sa pagkakataon na ito magkakadikit na at may tao.
Ang hiling ko lang sana last na yung kanina. Dun lang sana ang may sumpa at hindi sa mga kabahayan dito.
BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Mystère / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...