MIKOY POV
" Mga Pare..nakita nyo ba ung nakita ko?" tulalang tanung ko kanila Ron at Tisoy habang napapaatras palayo sa pinto.
"Hoy! ano b yung nkita nyo?!." magkakapanabay na tanong sa amin ng iba na di nakasilip.
" N-nakita ko rin Mikoy.. Shit lang! mas delikado tayo ngaun kaysa kanina sa biyahe." sagot naman ni Ron-ron sakin na napapamura na sa pag-iisip ng paraan para makatakas kami.
"Ano ba kasi yung nakita nyo?!." kinakabahan ng tanong ni Betty ulit sa amin na medyo napalakas ang boses.
"Sssshhh!!!!." sabay-sabay naming senyas sa kanya na wag lakasan ang boses.
Muli nakarinig kami ng kalabugan sa labas ng silid,sa pagkakataong to sunod-sunod iyon.
Napapaigtad kami sa mga ingay na nanggagaling sa labas dahil sa nararamdaman naming kaba at takot, na lalong naging dahilan para di kami makapag-isip ng dapat gawin. Ang tanging nagawa lang namin ay magkumpulan sa gilid ng kwarto sa kaba,habang nakatingin sa pinto.
Mabuti na lamang ay nagsalita si Angie na isa rin sa nakakita ng nilalang sa labas.
" Guyz!! listen to me.. pero walang magpapanic okie.."tingin nito sa amin lahat,na para bang humihingi ng assurance na di nga magpapanik ang mga kasama namin.
Kabado man sa takot tumango silang lahat.
" Nakita namin na may mga h-halimaw sa labas.." paunang sabi nito na sinundan agad ni Angie ng isa pang salita,bago pa maghestirikal nanaman ang mga babaeng kasama namin.
"Pero!!.. magtiwala kayo ililigtas tayo nung ipinahid ko sa inyo..hiling ko lang na anuman ang mangyari at kung biglang bumukas ang pintong yan! wag na wag kaung sisigaw!!o gagawa ng anumang ingay!! mababalewala ang inilagay kung pangontra sa ating lahat.." turo ko sa may pinto.
" C-couzin sigurado ka ba?!.n-natatakot ako a-ayoko p-pang mamatay d-dito, sa pagkakataong toh couz yung s-sinabi mo a-ang panghahawakan ko,i-ililigtas mo k-kami di ba." nanginginig sa takot na hawak ng girlfriend ko sa kamay ni Angie.
"Hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama Suzy maging sa inyo.. Magpasalamat tayo kay Esmeralda nagpakita sya sakin kanina at ibinigay ang bagay na to sa'kin." muli ipinakita nya ang boteng may lamang likido na ipinahid nya sa amin.
Ngayon napagtanto ko na kung ba't ganun sya kakampante sa mga sinasabi nya. Maging ang iba ay parang naibsan ang takot na nararamdaman ng marinig ang sinabi ni Angie. Kaya sa pagkakataon na ito nabuhayan kaming lahat. Naging alerto kami sa mga ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto at sa taas ng bubungan.
"God kayo nang bahala sa amin.."rinig kung dasal ni Angie, dahil nasa tabi ko lang sya.
"Angie salamat sayo medyo naibsan ang takot namin, kami pa naman ang lalake kami pa yung naduwag magsalita." sabi ko sa kanya ng tapos na itong magdasal.
" Wala yun..kahit sino namang makakita nung nakita natin sa labas ng kwarto hindi makakapagsalita agad, nilakasan ko lang ang loob ko dahil obligasyon din nilang malaman dahil pati sila damay din,mas maganda nang handa ang isip natin sa mangyayari." paliwanag nito sa kin.
BOOGGS!!!
Eksakto namang bumukas ang pinto at tumalsik sa loob ng kwarto ang duguan ng halimaw. Na ikatitili sana sa gulat nina Wendy,Betty,Nic-nic at Suzy kung hindi kami maagap na natakpan ang mga bibig ng mga ito. Habang ang mga reaksyon namin mga lalake ay para namang inatake sa pusong malalagutan na ang hininga at nanlalaki ang mga mata sa pagpipigil na wag din mapasigaw. Sa bilis ng kabog ng dibdib naming lahat baka nga atakehin kami sa puso,lalo pa at apat na mga halimaw ang nasa loob ng kwarto at pwede kaming lapain anumang oras.

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Misteri / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...