Chapter XIX

78 1 0
                                    

ARRON POV

                Nang makaalis na si Mang Marlon, kasama ang aleng sumalakay pala kay Angie na si Aling Jane.

               Nagkaroon kami ng pagkakataong usisain si Angie sa nakaraan nya. Lalo pa at nagpaalam din si Aling Analou na maghahanap ng isa pang gasera para mas lumiwanag ang paligid ng kubo, buti na lang at maliwanag ang buwan kaya lumalagos sa mga butas nito ang liwanag, na nagpadagdag para lumiwanag ang paligid kahit papanu.

             " Ron nanahimik ka dyan?," lapit ni mikoy sa akin.

             " Ha?..may iniisip lang," sagot ko naman, saka ko pinagbalingan si Tisoy.

              " Angelo.. tutal katukayo mo naman si Angie bakit di mo pangunahan ang pagtatanung sa kanya." sangi ko ng aking siko sa braso nya.

              " Lah bat ako! kayo na.."mahinang sagot nito sa akin.

              Para tuloy kaming mga tanga sa ginagawa namin pagbubulungan. Lalo pa at ang mga babae naman pala ang magtatanung.

             " Angie matanung ko lang ha.. curious kami eh kung panu ka napunta sa Auntie ni Suzy.. alam mo ba?," rinig kung tanung ng girlfriend kung si betty sa kanya.

              " Hindi eh basta pagkagising ko nasa hospital naku at sya na ang nabungaran ko.."

               " Ganun, eh panu ka naman nawalan ng ala- ala.?" muli tanung naman ni Nic-nic.

               " Marahil nung nahulog ako sa bangin, tumama sa kung san ang ulo ko."

               " Couz pag natapos ba tong bakasyon natin dito sa Isla, sasama ka pa ba sa amin bumalik?" tanong naman ni suzy sa kanyang pinsan.

               Habang kaming mga lalake ay nakatunghay lang sa kanila at nakikinig.

              " Oo naman.." sagot ni Angie sa pinsan nya.

              Hindi ko alam kung napansin ng iba pero may kung anu sa tono ni Angie ang parang nahimigan ko ng pag-aalinlangan sa sagot nya.

             " Bakit kaya?" tanong ko sa'king sarili na naisatinig ko pala.

             " Ang alin Ron ang bakit kaya?," tanung sa'kin ni makoy.

             " Ha?! may sinabi ba ko.?"maang ko sa kanya.

             " Ayy!! meron kaya.. kaw talaga nadadalas ang pagiging lutang mo, nahahawa ka na sa mga pasyente mo..payo ko sayo tol.." pambibitin nya sabay akbay sa akin. "Patingin ka na rin sa tulad mong Psychiatrist..hahahahaha!!!," bulong nito sabay bunghalit ng tawa na ikinatingin ng lahat sa kanya.

             " Gago ka talaga!! ikaw ang  dapat nagpapakonsulta sa'kin.. lakas ng saltik mo." pilipit ko sa leeg nya saka ko sya pinagkukutusan.

             " Tama na! tama na! Biro lang..ang seryoso mo kasi eh!" tatawa-tawa sabi nito na nakataas na ang mga kamay na ibig sabihin ay sumusuko na ito.

             " Ano naman yang kalokohan nyong dalawa dyan ha?!" tanong ni betty sa amin na nakataas pa ang isang kilay.

              " Ang ingay nyo,"sabay naman sabi nina nic-nic at suzy.

              Nagsikuhan naman kami ni Makoy. Yung dalawa naman na si Mikoy at Tisoy ay nakangisi sa amin ng nakakaloko. Nang biglang magtanong si Angie.

              " Asan si Fred at Wendy?" tanong nito na ikinatahimik namin lahat.

              " Bakit? Anung problema?" takang tanong nito na sa amin.

              " Nandito ko.." gulat naming baling lahat sa bukana ng kwarto, kung san nakatayo si Pedring. " Si Wendy andun sa kabilang papag..natutulog at kahit kelan hindi na magigising." turan nito na ramdam pa rin ang bigat  sa di matanggap na nangyari sa babaeng mahal nya.

            Nilapitan naman ni Mikoy si Pedring.

            " Dre ayos ka na ba? gusto mo bang magpahinga na muna." alalang tanung ni mikoy dito.

            " Kung magpapahinga ba ko makakasama ko na ba sya mikoy?"

            Hindi naman alam ni mikoy ang isasagot, maging kami ay wala rin maisagot sa kanya. Naaawa kami sa itsura nya dahil kanina pa syang ganyan.

            Nagulat na lang kami ng lapitan sya ni Angie at abutin nito ang ulo ni Pedring at idantay ito sa balikat nya. Dahil mas matangkad si pedring para na itong nakayuko. Inaalo ito ni Angie. At napansin ko na may kung anung ibinulong ito kay pedring na ikina angat nito ng ulo sabay sabing..

              " Talaga!gagawin mo yun?! Maraming salamat Angie" nagliwanag ang mukha ni pedring  at niyakap ng mahigpit si Angie na parang nabuhayan ulit.

             Na syang pasok naman ni Aling Analou na dala-dala ang may sinding gasera.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon